MAGBUBUKAS na ang 98th season ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa Setyembre 10.
Iho-host ng Emilio Aguinaldo College, inaasahang higit na magiging kapana-panabik ang mga aksiyon sa papalapit na season.
“With the coming Season 98, most of the games, if not all, are already face-to-face, physical so we’re already excited for that,” sabi ni GMA Network First Vice President and Head of Regional TV and Synergy Oliver Victor Amoroso.
Sa kabila ng mas maraming face-to-face activities, sinabi ni Amoroso na mahigpit pa ring ipatutupad ng liga ang health protocols para sa COVID-19.
Ayon kay Amoroso, naghanda na sila ng mas malalaking venues para sa mga laro.
Ang liga ay magpapatupad ng semi-bubble setup kung saan ang student-athletes ay maaaring manatili sa kanilang steam dormitories. Magsasagawa rin ang liga ng regular antigen testing. Ang GMA Network ang broadcast partner ng NCAA.