NCAA: SOLO 3RD TARGET NG BLAZERS

NCAA

Mga laro ngayon:

(Filoil Flying V Centre, San Juan)

10 a.m.- CSB vs MU (jrs)

12 nn.- UPHSD vs AU (jrs)

2 p.m.- CSB vs MU (srs)

4 p.m.- UPHSD vs AU (srs)

TARGET ng College of St. Benilde na makopo ang solong ika-3 puwesto sa pakikipagtipan sa Mapua University, habang sisikapin ng Perpetual Help na makalapit sa mga lider sa pagsagupa sa  Arellano U sa 94th NCAA basketball tournament ngayon  sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

May tsansa ang Blazers na kunin ang solo No. 3 spot subalit na-nullify ang basket ni Justin Gutang sa pagtatapos ng laro, na nag­resulta sa 65-66 pagkatalo sa San Sebastian Stags noong nakaraang linggo para sa ika-4 na pagkatalo ng una laban sa pitong panalo.

Pinirmahan ni CSB captain Yankie Haruna ang scoresheet upang iprotesta ang laro subalit hindi nag-follow up ang Blazers at hinayaan na lamang ito.

Sa kasalukuyan ay kasalo ng CSB  ang Letran sa ika-3 puwesto.

May isa pang tsansa ang Blazers na umangat sa pagsagupa sa Cardinals, na nasa lower half ng standings at may 3-8 marka, sa kanilang  2 p.m. showdown.

Sa ikalawang laro sa alas-4 ng hapon ay sisikapin naman ng  Altas na putulin ang three-game slide sa pagharap sa Arellano U Chiefs, naungusan ang huli, 76-72, sa first round noong Agosto 28.

Ang Perpetual Help ay kasalukuyang nasa No. 5 na may 5-5 kartada, habang nakadikit ang AU na may 4-6 marka.

Magbabalik si Edgar Charcos makaraang lumiban sa huling tatlong laro dahil sa hyperextended knee.

Ang pagliban ni Charcos ay nagkataong napasabay sa three-game misery ng Perpetual Help.

Comments are closed.