NCAA: TITLE DEFENSE SISIMULAN NG RED NETTERS

Tennis

SISIMULAN ng San Beda ang pagdepensa sa titulo sa 95th NCAA lawn tennis and soft tennis competition ngayon sa Rizal Memorial Tennis Center.

Inagaw ng Red Netters ang men’s lawn tennis title sa College of Saint Benilde sa Finals noong nakaraang  season, kung saan tinulungan ni Andre Tuason ang San Beda na wakasan ang two-year drought at nakopo ang MVP honors sa kanyang final season.

Sa likod ni Tracy Cheldette Llamas, isang Junior Fed Cup campaigner na itinanghal na tournament MVP, tinalo ng San Beda ang St. Benilde sa championship tie upang pangunahan ang women’s division.

Nadominahan din ng Mendiola-based squad ang soft tennis.

Ang Red Netters ay naging kauna-unahang men’s soft tennis champions makaraang gapiin ang Blazers, kung saan naging MVP si Whismark Basanal.

Sumakay sa solidong performance ni MVP Princess Catindig, pinadapa ng  San Beda ang St. Benilde upang kunin ang women’s crown.

Sa juniors division, target ng Lyceum of the Philippines University ang ikalawang sunod na kampeonato.

Comments are closed.