NCAA: ‘TWIN KILL’SA ARELLANO

NCAA

Mga laro ngayon:

(Filoil Flying V Centre, San Juan)

 8 a.m.- MU vs CSB (jrs)

10 a.m.- LPU vs JRU (jrs)

12 nn.- MU vs CSB (srs)

 2 p.m.- LPU vs JRU (srs)

 4 p.m.- SSC vs CSJL (srs)

 6 p.m.- SBU vs CSJL (jrs)

SUMANDAL ang Arellano University sa clutch shooting nina guards Levi dela Cruz at ­Adrian Alban at sinamantala ang masamang free throw shooting ng Emilio Aguinaldo upang maitakas ang 75-69 overtime win sa 94th NCAA basketball tournament kahapon sa AU Gym sa Legarda, Manila.

Nagbuhos si Dela Cruz ng pito sa kanyang 12 points sa OT habang naitala ni Alban, isang transferee mula sa Lyceum of the Phl U, ang walo sa kanyang 13 points sa huling sandali ng regulation na naghatid sa laro sa OT at ipinoste ng Chiefs ang kanilang unang panalo.

“When we had a big problem when we lost (Kent) Salado. We’re just thankful we have these guards to help fill the void,” wika ni AU coach Jerry Codinera patungkol kina Dela Cruz-Alban tandem.

Nagmintis ang EAC ng 29 sa 46 foul shots, kabilang ang lima sa OT.

Kontrolado ng Generals ang laro nang lumamang sila ng lima sa fourth quarter subalit tru­mangko si Alban upang ihatid ang laro sa overtime.

Bumagsak ang Generals, natalo sa Pirates, 97-106, noong nakaraang linggo, sa 0-2 kartada.

Sa juniors’ division,  humugot ng lakas ang AU kay Romuel Junsay nang makahabol sa 21-point deficit upang maitakas ang 79-77 panalo laban sa EAC.

Nagpasabog si Junsay, isang transferee mula sa Mapua at maglalaro sa kanyang nag-iisang season sa AU ngayong taon, ng 34 points, kabilang ang 24 sa second half.

Nalasap ng EAC, pinangunahan nina Cjay Boado na may 23 points, at  Adrian Balowa na may 19, ang ikalawang sunod na kabiguan.

Iskor:

Unang laro (jrs)

Arellano U (79)  – Junsay 34, Espiritu 13, Fermin 10, Sunga 10, Domingo 5, Tolentino 3, Fornis 2, Templonuevo 1, Sahali 1, Liangco 0, Nepomuceno 0, Cabili 0, Recto 0

EAC (77) – Boado 23, Balowa 19, Sumagaysay 11, Ilustrimo 11, Sanosa 4, Lozano 2, Pascual 2, Quebral 2, Rodrin 2, Encila 1, Murillo 0, Calara 0, Rivera 0, Papa 0

QS: 12-24, 27-42, 56-57, 79-77

Ikalawang laro (srs)

Arellano (75) – Concepcion 15, Alban 13, Alcoriza 12, Dela Cruz 12, Villoria 9, Canete 7, Meca 4, Serajosef 2, Dela Torre 1, Abdurassad 0, Bayla 0, Codinera 0, Ongolo Ongolo 0, Sacramento 0, Santos 0

EAC (69) – Bautista 14, Cruz 14, Laminou 14, Garcia 7, Mendoza 7, Natividad 5, Robin 4, Diego 2, Magullano 2, Bugarin 0, Cadua 0, Gonzales 0, Neri 0, Tampoc 0

QS: 20-13, 31-26, 49-48, 63-63, 75-69 (OT)

Comments are closed.