MANDALUYONG CITY – NAGRESULTA sa pagkarekober ng isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon ang buy bust operation ng local police katuwang ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City.
Naganap ang pagsalakay alas-11:25 ng gabi kung saan naaresto sina Raihana Pontino, Aliola Sultan at Jassir Panggaga.
Positibong nabilhan ang mga suspek ng shabu na nagkakahalaga ng P1.5 milyon.
Ayon sa NCRPO, makailang beses nang nagkasa ng operasyon sa Pasig City ang awtoridad laban sa mga suspek ngunit nakatatakas ang mga ito.
Pawang mga miyembro ng isang syndicated criminal gang ang mga suspek na konektado sa grupo ng mga Muslim na pinamumunuan ni Ahmin Buratong.
Si Buratong ay kasalukuyang nakakulong dahil sa illegal drug traficking.
Nakumpiska rin ang isang sasakyan na ginamit sa pandeliber sa mga droga na kabilang ngayon sa ebidensiya laban sa dalawang naaresto.
Sasampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. EUNICE C.
Comments are closed.