NAGBUHOS si Kevin Durant ng 28 points at nag-ambag si unheralded Quinn Cook ng 27 nang igupo ng defending champion Golden State Warriors ang Brooklyn Nets, 116-100, sa kabila ng pagkawala ni Stephen Curry.
Ang kinamada ni Quinn ay season-high kung saan pinunan niya ang puwestong iniwan ni Curry, na hindi nakapaglaro makaraang magtamo ng groin injury sa pagkatalo sa Milwaukee noong Huwebes.
“I was trying the pick and roll, making great reads and trying to set great screens,” wika ni Durant.
Ang Warriors ay sumalang din na wala si Draymond Green, subalit binuhat ni nine time all-star Durant ang koponan para putulin ang three-game winning streak ng Nets.
Tumipa si Durant ng 13 points sa first quarter, naitala ang huling anim na puntos sa second at napalawig ng Warriors ang kanilang kalamangan sa 20 sa third.
Naipasok ni Cook ang kanyang unang pitong tira noong Sabado at napantayan si Durant na may 19 points sa first half.
LAKERS 101,
KINGS 86
Tumirada si LeBron James ng 25 points at humugot si Tyson Chandler ng 12 rebounds nang payukuin ng Los Angeles Lakers ang Sacramento Kings.
Ang Lakers ay 6-6 na ngayon sa season.
“We didn’t cave in on our principles,” wika ni James. “We had a hell of a game plan and we executed for 48 minutes.”
Tumapos si Brandon Ingram na may 12 points at 8 rebounds para sa Lakers, na nanalo ng apat sa kanilang huling limang laro.
Naisalpak ni James ang kanyang unang anim sa siyam na tira at tumapos na may 10-for-18 mula sa floor.
Nanguna si De’Aaron Fox para sa Kings na may 21 points subalit hindi siya nakakuha ng sapat na suporta mula sa iba pang Sacramento starters.
CLIPPERS 128,
BUCKS 126
Nagningning si Montrezl Harrell mula sa bench at umiskor ng 26 points nang maungusan ng Los Angeles Clippers ang Milwaukee Bucks sa overtime.
Batid ni coach Doc Rivers, na kinausap si Harrell sa halftime hinggil sa kawalan niya ng defensive play, na maaasahan niya si Harrell sa second half.
“He turned it around,” ani Rivers. “His energy was infectious.”
“I come in here every night just looking to give my team the extra boost and that extra push to will us to win the game,” ani Harrell, na bumusko ng 5 of 15 mula sa field sa huling bahagi ng laro.
Tumapos si Harrell na may 9 rebounds at 10 assists.
Nakakolekta si Giannis Antetokounmpo ng 27 points at 18 rebounds sa pagkatalo kung saan bumagsak ang Bucks sa 9-3 sa season.
“Offensively, I felt kind of weird going down in the fourth quarter and overtime because we’ve been blowing teams out this year,” ani Antetokounmpo.
Tumipa si Patrick Beverley ng 21 points para sa Los Angeles, at tumapos si Tobias Harris na may 20 points at 11 rebounds.
RAPTORS 128,
KNICKS 112
Nagpakawala si Pascal Siakam ng 23 points at napanatili ng Toronto Raptors ang pangunguna sa Eastern Conference nang pa-dapain ang New York Knicks.
Naipasok ng Cameroonian international na si Siakam ang anim na field goals, kabilang ang tatlong three-pointers.
Umangat ang Raptors sa 12-1 sa ibabaw ng Eastern Conference, at napanatili ang kanilang kalamangan laban sa second place Milwaukee.
Comments are closed.