NOVEMBER INFLATION BUMILIS SA 3.3%

INFLATION-3

BUMILIS ang inflation noong Nobyembre sa likod ng mas mataas na presyo ng pagkain dahil sa mga bagyo, ayon sa Philippine Statistics Authority(PSA).

Sinabi ni National Statistician Dennis Mapa na naitala ang inflation  sa 3.3% noong nakaraang buwan, mas mabilis sa  2.5% noong Oktubre at sa 1.3% sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Ito ang ikalawang sunod na buwan na bumilis ang inflation, at ang pinakamabilis sa loob ng udang taon.

Ayon sa PSA, ang price increases ay pinangunahan ng food items, sa pangunguna ng gulay na may 14.6% na pagtaas.

“Ang ating source ng inflation sa buwan ng November ay talagang items sa food basket…These are really due to the supply disruptions caused by the typhoons,” ani Mapa.

Sumipa rin ang presyo ng karne at isda ng 8.2% at 5.3%, ayon sa pagkakasunod.

Ang iba pang major contrubutors ay transport, na nagtala ng 7.6% na pagtaas kung saan ang pasahe sa tricycle ay tumaas ng  45.9%. Ang pamasahe sa dyip ay tumaas ng 5.9% habang sa bus ay 4.2%.

Comments are closed.