OCTOBER INFLATION BUMILIS SA 2.5%

INFLATION

BUMILIS ang  inflation noong Oktubre sa likod ng mas mataas na presyo ng pagkain at non-alcoholic beverage, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Naitala ito sa 2.5% mula sa 2.3% noong September. Mas mabilis din ito sa 0.8% na naiposte noong October 2019.

Ang 2.5% inflation noong October ay pasok sa 1.9 hanggang 2.7% forecast range ng Department Economic Research ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para sa naturang buwan.

“Ang pangunahing dahilan sa pagtaas ng inflation sa buwan ng Oktubre 2020 ay ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng food and non-alcoholic beverages,” wika ni National Statistician Dennis Mapa.

Ang pagtaas ay sa likod ng mas mataas na inflation para sa karne at isda na may 4.7% at 3.7%, ayon sa pagkakasunod.

“Barbershop services and education also contributed to the faster inflation for the month bringing year-to-date inflation for 2020 at 2.5 percent,” ayon sa PSA.

Nakapagtala rin ng pagtaas sa pamasahe, partikular sa tricycle at jeep na may 7.9% o katumbas ng  26.2% share sa overall inflation para sa buwan ng October na nagpasikad sa presyo ng mga bilihin. VERLIN RUIZ

Comments are closed.