(Olympic champ ginulantang) PAALAM SIGURADO NA SA BRONZE

Carlo Paalam

APAT na medalya na ang maiuuwi ng Pilipinas sa Tokyo Olympics.

Ito ay makaraang gulantangin ni Filipino boxer Carlo Paalam si Olympic at world champion Shakhobidin Zoirov ng Uzbekistan sa quarterfinals ng men’s flyweight division ng boxing event ng Tokyo Olympics Martes sa Kokugikan Arena.

Sa panalo ay umabante si Paalam sa semifinals upang makasiguro sa bronze medal.

Si Zoirov ay gold medalist sa flyweight division kapwa sa 2016 Rio Olympics at sa 2019 AIBA World Championships.

Subalit hindi ito alintana ni Paalam kung saan tinalo niya ang boxing champion makaraang itigil ang laban sa 1:40 mark ng second round nang magkaumpugan ang dalawang boksingero.

Apat na judges ang pumabor kay Paalam sa scorecards habang ang isa ay draw.

“Unang-una po sa lahat, nagpapasalamat po ako sa Panginoon sa pagbibigay ng lakas sa akin para maipanalo ko ang laban na ito. Maraming salamat din sa tiwala ng mga coaches ko, sa ABAP at sa PSC. Salamat din po sa mga sumusuporta po sa akin at sa aming lahat na mga atletang Pilipino. Sabi nga po ng Panginoon, ‘Makakaya mo, basta kasama mo ako,’” sabi ni Paalam.

Susunod na makakasagupa ni Paalam si home bet Ryomei Tanaka ng Japan.

Sa panalo ni Paalam ay nahigitan na ng Team Philippines ang performance nito sa 1932 Los Angeles Games kung saan tatlong Pinoy athletes ang nag-uwi ng medalya.

Bukod sa 23-anyos na si Paalam, ang iba pang medalists ay sina weightlifting gold medalist Hidilyn Diaz, silver medalist Nesthy Petecio at boxer Eumir Marcial. CLYDE MARIANO

9 thoughts on “(Olympic champ ginulantang) PAALAM SIGURADO NA SA BRONZE”

  1. 900977 199675Im not that a lot of a internet reader to be honest but your blogs genuinely nice, maintain it up! Ill go ahead and bookmark your website to come back within the future. All the best 251779

  2. 958085 692979Hey really nice blog!! Man .. Beautiful .. Wonderful .. I will bookmark your site and take the feeds alsoIm satisfied to seek out numerous useful info here in the post, we require develop much more techniques on this regard, thanks for sharing. 854379

  3. 464387 399287the most common table lamp these days nonetheless use incandescent lamp but some of them use compact fluorescent lamps which are cool to touch.. 18167

  4. 245313 945239Ive been absent for a while, but now I remember why I used to really like this internet site. Thank you, I will try and check back a lot more often. How frequently you update your web site? 123102

  5. 358171 497080I discovered your internet site internet site online and check numerous of your early posts. Maintain on the top notch operate. I just now additional your Feed to my MSN News Reader. Searching for forward to reading a lot far more from you discovering out later on! 987890

Comments are closed.