MALAKI ang papel na ginagampanan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa paghubog ng atletang Pinoy mula grassroots hanggang elite level.
Ito ang pagkilala na ibinigay ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez sa pamunuan ng PAGCOR, sa pamumuno ni Chairman Andrea Domingo, kasabay ng pagpapatunay sa papel na ginampanan ng ahensiya para sa tagumpay ng Team Philippines sa international competion, tampok ang katatapos na Tokyo Olympics.
Sa kanyang sulat kay Domingo, sinabi ni Ramirez na napagtagumpayan ng bansa ang overall championship sa South-east Asian Games nitong Disyembre 2019 at ang makasaysayang isang gold, dalawang silver at isang bronze sa Tokyo Olympics dahil sa pagtugon ng PAGCOR sa pangangailangan ng atletang Pinoy.
“PAGCOR’s contributions funded the training and preparation of the Philippine team for the Olympics. With their help, our national athletes are able to show the world just how talented the Filipino athletes are,” pahayag ni Ramirez na kanyang inulit sa isinawagang courtesy call ng Tokyo heroes sa Malacanang nitong Lunes ng gabi kung saan personal na tinanggap nina weightlifter Hidilyn Diaz at boxers Nesthy Petecio, Carlo Paalam at Eumire Marcial ang kanilang cash incentives mula kay Pangulong Duterte.
Tinanggap ni Diaz ang kabuuang P15 milyon matapos ilagay ang Pilipinas sa kasaysayan ng Olympics nang mapagwagihan ang kauna-unahang gintong medalya para sa bansa sa Tokyo Olympics. May tig-P5 milyon naman sina silver medalist Petecio at Paalam, habang P2 milyon ang nakuha ni Marcial.
Tumanggap din ng pagkilala at cash incentives ang mga coach at trainer ng mga atleta.
Ang trainer ni Diaz na si Antonio Agustin, Jr. ay binigyan ng P5 milyon, habang ang boxing coaches na sina Elmer Pamisa, Nolito Velasco, Ronald Chavez at Reynaldo Galido ay binigyan din ng insentibo ng PAGCOR.
Samantala, naglaan din ang PAGCOR ng tig-P250,000 kina swimmer Luke Michael Gebbie at weightlifter Elreen Ann Ando dahil sa naitalang bagong national records sa kanilang kampanya sa Olympics.
Ang cash incentives ay batay sa Republic Act 10699 (National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act). Nagmula ito sa National Sports Development Fund (NSDF) ng PSC na ipinagkakaloob ng PAGCOR.
Nakiisa si Domingo at ang mga opisyal ng PSC sa seremonya sa Malacanang na dinaluhan din nina Executive Secretary Salvador Medaldia at Senator Bong Go, ang chairman ng Senate Youth and Sports Committee.
“We will never tire in our effort to pump-in the necessary support to athletic development as we’re certain that more Filipino sports heroes will emerge in the future with ample financial backing,” sambit ni Domingo. EDWIN ROLLON
65788 317449Wohh just what I was seeking for, thanks for putting up. 665473
375192 955397I gotta favorite this website it seems invaluable extremely valuable 824037
535700 114570Greetings! This is my initial comment here so I just wanted to give a quick shout out and let you know I genuinely enjoy reading via your weblog posts. Can you recommend any other blogs/websites/forums that deal with exactly the same topics? Thank you so a lot! 523904
391665 473118Spot ill carry on with this write-up, I truly think this internet site requirements an excellent deal more consideration. Ill oftimes be once a lot more to see far a lot more, numerous thanks that info. 81634