OPENING NG NCAA 96TH SEASON AAGAHAN

on the spot- pilipino mirror

NAGLABAS  ng statement ang Policy Board  ng NCAA 96th season hinggil sa maaga nilang opening sa susunod na taon.

Ayon sa bumubuo ng Policy Board, sa pa­ngunguna nina Rev. Fr. Victor Calvo Jr.,  NCAA 96th season Chairman, at Rev. Fr. Clarence Marquez, NCAA 96th season president, apat na sports lamang ang lalaruin sa susunod na taon na kinabibilangan ng basketball, volleyball, swimming at track and field.

Ang Letran Knights ang host sa 2021 at sila rin ang defending champion sa basketball makaraang gibain ang San Beda Red Lions, 81-79, noong nakaraang season.  Napigilan nila ang ika-5 sunod na korona sana ng San Beda.

Hindi na nakapagbukas ang NCAA ngayong taon dahil sa COVID-19 pandemic. Isinaalang-alang nila ang kalusugan at kaligtasan ng kanilang mga atleta, coach, trainor at mga estudyante. Anyway, good luck sa NCAA 96th season sa 2021.

o0o

Mukhang tanggap na ni Greg Slaughter ang kapalaran ng kanyang basketball career. Tsika ng On The Spot na babalik na ito sa Pinas upang maglaro na sa PBA. Sa pagbabalik ni Slaughter sa bansa ay posibleng hindi na siya sa kampo ng Brgy. Ginebra maglalaro kundi sa sister team nito na Magnolia Hotshots. Aba­ngan na lamang natin kung sino ang magiging kapalit ni Greg sa Brgy. Ginebra, kasi kahit tapos na ang kontrata nito sa kanyang mother team ay nasa Gin Kings pa rin ang rights ni Slaughter.

o0o

Nakapanghihina­yang ang mga player  na nababangko lang sa kani-kanilang team. Tulad ni Paul Zamar na mula nang malipat sa San Miguel Beer ay nabangko lamang bagama’t  pangarap ng father niyang si Boyzi Zamar na magkasama sila sa isang team. Si Boyzi ay isa sa mga assistant coach ng Beerman. Oks na sana ang kalagayan ni Paul sa Blackwater Elite na nahahasa ang kanyang laro. Sana nga ay maibalik siya sa Elite upang makapaglaro pa siya at maipakita  ang tunay niyang laro.

Isa pang player na nakapanghihinayang itong si rookie Michael Calisaan, Galing siya sa San Sebastian College at pinsan ni Ian Sangalang. Sayang ang 6’4 player na naka­pag­lalaro bilang small forward.  Dapat ay i­lipat na lamang siya ng Magno-lia Hotshots sa ibang team na nanga­ngailangan ng kanyang height. Puwede siya  sa Alaska Aces dahil  wala silang ma-tangkad kapag nagretiro na si Sonny Thoss. Mahusay ang player ni coach Egay Macaraya na naaasahan niya sa bawat laro ng Baste.

Comments are closed.