KUMPIYANSA ang Malakanyang na makababawi ang bansa sa pagbilis ng inflation rate sa 3.2 por-siyento noong Mayo.
“We assure our countrymen that the minimal increase in the inflation rate is a circumstance that does not toll the alarm bells,” sabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa ipinadalang statement.
Sinabi ng pamahalaan na walang dapat ikabahala sa naitalang 3.2 inflation rate bunsod na rin ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo at epekto ng El Niño phenomenon na tinatayang bababa sa mga susunod na buwan.
Kabilang din sa mga dahilan nito, ayon sa mga economic manager ni Pangulong Rodrigo Duterte, ay ang bahagyang pagtaas sa presyo ng mga agricultural food products tulad ng gulay, isda at prutas, gayundin ang pabahay, tubig at iba pang utilities.
Ayon kay Panelo, base sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang pagtaas ng inflation ay nasa pagitan pa naman ng mula 2.8% hanggang 3.6% range na estimate ng BSP kung kaya walang dapat ikalarma.
Paliwanag pa ni Panelo, ang high spending sa pagkain at alcoholic beverages noong panahon ng kam-panya at pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado ay wala naman sa kontrol ng gobyerno na nadagdagan pa ng epekto ng El Niño noong summmer season.
“Both factors are expected however to taper down,” giit ni Panelo.
“We expect inflation to be in the neighbourhood of 2.0% in the third quarter of 2019. When the full impact of rice liberalization is felt, with rice prices falling down further,there will be a downtrend in the inflation rate” dagdag pa niya.
Wala rin naman aniyang nakikitang indikasyon ng trend reversal ng inflation rate na nagmula sa mas mababang rate bago ang pag-angat nito noong nakaraang buwan. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.