ANG PAGKONTROL sa presyo ng mga pangunahing bilihin, partikular ang pagkain, ang nangunguna pa ring alalahanin ng mayorya ng mga Pilipino.
Batay ito sa OCTA Research Group survey sa 1,200 respondents noong October 23 hanggang 27.
Sa naturang survey, 57% ng respondents ang nagsabing inflation ang nangunguna sa tatlong national concerns na nais nilang resolbahin agad ng gobyerno kumpara sa 52% na naitala sa kahalintulad na survey noong Marso.
Nasa 48% naman ang nagsabing pagsasaayos o pagtaas ng sahod ng mga manggagawa ang dapat tutukan kumpara sa 43% noong Marso; sinundan ng abot-kayang pagkain, 46% kumpara sa 41% noong Marso.
Kabilang din sa national concerns ang paglikha ng mas maraming trabaho, 29%; pagbibigay ng libre at dekalidad na edukasyon, 26%; at pagpapababa sa antas ng kahirapan, 24%.
DWIZ 822