PARAK AT ADIK TUMBA SA ENCOUNTER

encounter

BULACAN  – DEAD on arrival sa ospital ang isang intel officer ng Philippine National Police (PNP) makaraang tamaan ng bala mula sa shotgun ng drug user na nakipag-engkuwentro sa isang relocation site sa Brgy. Lalangan, Plaridel.

Sa report ni PNP Provincial Director P/ Col. Chito Bersaluna, kinilala ang napatay na pulis na si P/Cpl. Ronnie Tamaliuan, ng Provincial Intelligence Branch ng Camp General Alejo Santos.

Habang napatay naman sa ilang minutong bakbakan si Nesty Nacino alyas Weck na dati na ring nasangkot sa ilegal na droga.

Ganap na alas-10:00 ng gabi nang maganap ang palitan ng putok ng baril sa lugar.

Kung saan naghagis pa ng granada ang suspek, na masuwerteng hindi pumutok.

Dahil dito humingi ng responde ang Plaridel Police sa PIB at SWAT dahil armado si alyas Weck.

Nabatid na una nang nakatanggap ng tawag sa telepono ang mga pulis mula kay Brgy. Chairman Danilo Tayaw ng nabanggit na barangay kung saan may armadong lalaki na may bitbit na 12guage shotgun at nanakot.

Nakuha ng Scene of the Crime Operatives o sa lugar ng engkuwentro ang 66 sachet ng hinihinalang shabu at dalawang motorsiklo na umano’y ginagamit sa transaksyon ng droga, isang granada at ang 12 Guage shotgun. THONY ARCENAL