(Pinangangambahang maulit sa 2022) ‘FOR LATER’ RELEASE SA BUDGET

Stella Quimbo

NABABAHALA  si Marikina Rep. Stella Quimbo na maulit sa 2022 national budget ang “For Later Release” o FLR na ginawa ng Department of Budget and Management (DBM).

Sa 2021 budget, may P193 billion na FLR  kung saan P135 billion dito ay sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ang FLR na ginawa ng DBM ay nasa line item budget sa ilalim ng 2021 General Appropriations Act na inaprubahan ng Kongreso at ng Pangulo.

Malinaw aniyang “unconstitutional” ang FLR dahil sinasagaan nito ang “power of the purse” ng Kongreso.

Nagtataka si Quimbo kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nailalabas ng DBM ang pondo gayong authorized na ito.

Nakababahala, aniya, dahil ang binitin na pondo ay makatutulong sana sa bansa tulad ng pagbibigay ng trabaho sa mga nawalan ng hanapbuhay ngayong pandemya, gayundin ang government spending ay isa sa solusyon para patuloy na umikot ang ekonomiya.

Humingi si Quimbo ng kasiguraduhan sa mga economic manager na hindi na mauulit ang FLR sa 2022 budget.

Pero mismong ang sponsor ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) na si Albay Rep. Joey Salceda ay nahirapang sagutin ang hinihinging commitment ni Quimbo dahil mismong ang ahensiyang kanyang dinedepensahan ay dinedebate siya nang igiit nito na labag sa Konstitusyon ang FLR. CONDE BATAC

8 thoughts on “(Pinangangambahang maulit sa 2022) ‘FOR LATER’ RELEASE SA BUDGET”

  1. 976716 10871We supply you with a table of all of the emoticons that can be used on this application, and the meaning of each symbol. Though it may take some initial effort on your part, the skills garnered from regular and strategic use of social media will create a strong foundation to grow your business on ALL levels. 727710

  2. 12846 715992Hi my friend! I want to say that this post is incredible, good written and consist of approximately all significant infos. Id like to see a lot more posts like this . 852802

Comments are closed.