Mga laro ngayon:
(Filoil Flying V Centre)
10 a.m.- CSJL vs MU (jrs)
12 nn.- SBU vs LPU (jrs)
2 p.m.- CSJL vs MU (srs)
4 p.m.- SBU vs LPU (jrs)
MAG-AAGAWAN ang wala pang talong Lyceum of the Philippines University at San Beda sa solong lid-erato sa kanilang paghaharap sa preview sa pagitan ng potential championship contenders sa 94th NCAA basketball tournament ngayon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.
Ang Pirates ay may walong sunod na panalo habang ang Lions ay nanalo sa kanilang unang anim na laro at ang magwawagi sa kanilang 4 p.m. duel ay iimbulog sa ibabaw ng standings.
Winalis ng LPU ang double-round eliminations sa 18 games noong nakaraang season subalit na-sweep sila sa dalawang laro sa finals ng San Beda.
Walang gaanong pagbabago sa dalawang koponan magmula nang huli silang magsagupa sa finals dahil pinanatili nila ang parehong lineup noong nakaraang taon.
“It will be an exciting game for sure,” wika ni San Beda coach Boyet Fernandez.
Ang laban ay tatampukan din ng opensa ng LPU at ng depensa ng San Beda, na nangunguna sa liga.
Ang Pirates ay No. 1 sa scoring na may average na 88.8 points kada laro, habang nalilimitahan ng Lions ang kanilang mga katunggali sa league-high 63.3 points kada laro.
Si CJ Perez ay nagpapamalas ng MVP-like performances at may average na league-best 20.1 points, habang ang kanyang teammate na si Mike Nzeusseu ng Cameroon ay No. 7 na may 15.3 points.
Gayunman, sinabi ni LPU coach Topex Robinson na masaya siya sa much-improved defense ng kanyang tropa ngayong taon, na umangat sa fifth overall.
“It’s still a work in progress but its noticeably improving,” ani Robinson.
Sa iba pang seniors match ay magsasalpukan ang Letran (4-3) at Mapua (2-6) sa alas-2 ng hapon.
Comments are closed.