PIRATES PASOK NA SA ‘FINAL 4’

UMATAKE si Shawn Umali ng Lyceum laban sa mga manlalaro ng SSC-R sa kanilang laro sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Centre. Kuha ni RUDY ESPERAS

 Mga laro ngayon:

(Filoil EcoOil Centre)

9:30 a.m. – San Beda vs JRU

3 p.m. – EAC vs Mapua

SUMANDAL ang Lyceum of the Philip­pines University kay Enoch Valdez sa second half at nalusutan nito ang pagbabanta ng San Sebastian College, 83- 80, upang umabante sa NCAA men’s basketball Final Four kahapon sa Filoil EcoOil Arena.

Nanalasa si Valdez sa huling dalawang quarters sa pagtala ng 14 sa kan­yang 18 points at tumu­long sa depensa upang ig­iya ang Pirates sa kanilang ika-12 panalo sa 16 na laro at pag-usad sa semis sa unang pagkakataon mag­mula noong 2019.

Sa ikalawang laro, sumandal ang Mapua sa kabayanihan ni Marc Cuenco upang pataubin ang Arellano University, 84-75, at manatili sa No. 1 na may 14-3 marka.

Maseselyuhan ng Car­dinals, nakasisiguro na sa Final Four at sa isang pu­westo sa top two na may kaakibat na twice-to-beat bonus. ang top ranking— ang una ni Randy Alcan­tara bilang Mapua men’s coach— kapag nanalo ito sa Jose Rizal University sa kanilang final elimination round game sa Miyerkoles.

Ang panalo ay naglapit sa LPU sa top two finish at sa twice-to-beat incentive sa Final Four.

Ang Pirates ay may Valdez na dapat ipagpasalamat makaraang magtala rin ito ng 8 rebounds, 7 assists, 2 steals at 3 blocks.

Samantala, nanguna si Patrick Montaño sa scoring para sa LPU na may apat na triples sa kinamadang 22 points.

Nahulog ang Stags sa 5-11.

Iskor:
Unang laro:

LPU (83) – Mon-taño 22, Valdez 18, Umali 13, Guadaña 10, Barba 9, Omandac 5, Cunanan 2, Vil-legas 2, Peñafiel 2, Bravo 0.

SSC-R (80) – Desyo 22, Are 11, Felebrico 9, Calahat 9, Sumoda 7, Escobido 7, Velasco 4, Una 3, Ra. Gabat 3, Aguilar 3, Re. Gabat 2, De Leon 0, Castor 0, Singson 0.

QS: 17-19; 34-42; 64- 63; 83-80

Ikalawang laro:

Mapua (84) – Cuenco 17, Escamis 15, Hernandez 13, Recto 10, Soriano 9, Rosillo 7, Fornis 6, Dalisay 5, Bonifacio 2.

Arellano (75) – Capu-long 22, Talampas 14, Camay 8, Mallari 7, Geroni-mo 6, Sunga 6, Villarente 4, Ongotan 4, Rosalin 2, Dayrit 2, Tan 0, Yanes 0, Dela Cruz 0, Abastillas 0.

QS: 25-20; 51-40; 62- 56; 84-75.