(Presyo ng langis, pagkain tumaas) INFLATION BUMILIS SA 2.9%

Dennis Mapa

SUMIPA ang inflation sa unang buwan ng 2020 sa likod ng pagtaas ng presyo ng langis at pagkain, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

“The year 2020 started off with a higher national headline inflation rate of 2.9%,” wika ni PSA chief Claire Dennis Mapa.

Ayon kay Mapa, ito ang pinakamataas na inflation na naitala magmula noong June 2019, kung saan ang inflation ay naiposte sa 2.7%.

Ang January inflation ay mas mabilis din sa 2.5% na naitala noong December 2019 subalit mas mabagal kumpara sa 4.4% noong January 2019.

“The main source of the upward trend in January 2020 inflation was the higher annual increment in transport,” sabi ni Mapa.

Ang pagbilis ng inflation ay bunga rin ng pagtaas ng presyo ng alak at sigarilyo.

Noong nakaraang buwan ay nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagtataas sa excise tax sa alcohol, heated tobacco at vapor products sa layuning makalikom ang pamahalaan ng dagdag na pondo para sa Universal Health Care program.

“In addition, the higher annual rate observed in housing, water, electricity, gas, and other fuels contributed to the uptrend in the inflation in January 2020,” sabi pa ni Mapa.

Sa 11 major commodity groups, sinabi ng PSA chief na ang top contributor sa pagbilis ng inflation noong nakaraang buwan ay ang food at non-alcoholic beverages, na nagposte ng annual rate na 2.2% at nag-ambag ng 30.8% sa overall inflation.

Ang second major contributor sa overall inflation, ayon pa kay Mapa, ay ang housing, water, electricity, gas, at iba pang fuels, na nagtala ng inflation na  2.5% at nag-ambag ng 20.1% sa overall inflation.

“The third commodity group that largely contributed to the overall inflation was restaurant and miscellaneous goods and services, which had a 2.6% inflation and 12.0% share to the overall inflation in January 2020,” dagdag pa niya.

Comments are closed.