ISANG panalo na lang ang kailangan ng Petro Gazz Angels para makopo ang ikatlong puwesto sa 2021 Premier Volleyball League (PVL) Open Conference.
Umiskor si Myla Pablo ng clutch hits sa fourth set upang sandigan ang Angels sa 25-21, 25-15, 22-25, 25-20 panalo kontra Choco Mucho sa Game 1 ng kanilang duelo para sa bronze, Miyerkoles sa PCV Socio-Civic Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte.
Nakatakda ang Game 2 ng best-of-three series, Huwebes sa parehong Ilocos Norte venue.
Masaklap ang pagkatalo ng Flying Titans kung saan nagtamo ng injury sa kaliwang tuhod ang kanilang middle blocker na si Maddie Madayag sa kalagitnaan ng fourth set.
Nanguna si Pablo para sa Petro Gazz na may 26 points sa 25 attacks, habang nagdagdag si Grethcel Soltones ng 13 points sa 10 kills at 2 aces. Tumapos si Ces Molina na may 11 points, at naitala ni Ria Meneses ang lima sa kanyang 10 points sa blocks.
Nagbida naman si Ponggay Gaston sa Flying Titans na may Gaston 18 points, habang nag-ambag si Kai Tolentino ng 10 markers.
337067 177593I saw a great deal of internet site but I believe this 1 contains something special in it in it 457172