TINAMBAKAN ng Magnolia ang NLEX, 102-74, upang maisaayos ang quarterfinal duel sa No. 3 Ginebra sa PBA Philippine Cup quarterfinals kagabi sa Araneta Coliseum
Nanguna si Paul Lee na may 26 points at 5 rebounds, habang nag-ambag sina Aldrech Ramos at Mark Barroca ng 15 at 14 points, ayon sa pagkakasunod, at nakalikom si Jio Jalalon ng 8 points, 5 assists, 4 boards at 3 steals para sa Magnolia.
“We achieved our goal that is to get the No. 6 spot,” wika ni Magnolia coach Chito Victolero. “Our defense is a big factor because our goal is to limit NLEX to under 90 points and match their efforts.”
“Happy and proud ako sa ginawa ng players ko. Though mahaba break namin, hindi nawala ‘yung rhythm nila,” dagdag pa niya.
Maagang nalamangan ng Hotshots ang Road Warriors kung saan napalobo nito ang 20-16 first-quarter lead sa 46-30 sa halftime, sa pangunguna ni Lee.
Umabante ang Magnolia ng hanggang 31 points mula sa jumper ni PJ Simon sa 6:14 mark ng 4th.
Nagbuhos si Bong Galanza ng 10 points, pawang mula sa 3rd quarter, upang pangunahan ang NLEX. Nagdagdag si Kenneth Ighalo ng 9 points at gumawa si JR Quiñahan ng 8 points, 6 rebounds at 2 blocks.
Iskor:
Magnolia (102) – Lee 26, Ramos 15, Barroca 14, Sangalang 10, Jalalon 8, Herndon 6, Melton 5, Simon 5, Brondial 5, Reavis 2, Gamalinda 2, Pascual 2, Dela Rosa 2, Calisaan 0, Abundo 0.
NLEX (74) – Galanza 10, Ighalo 9, Tallo 8, Quiñahan 8, Erram 7, Rios 6, Paniamogan 6, Varilla 6, Magat 6, Soyud 4, Baguio 2, Lao 2, Tiongson 0, Taulava 0, Paredes 0.
QS: 20-16, 46-30, 77-54, 102-74
Comments are closed.