(Sa pagtaas ng presyo ng langis, pagkain) MARCH INFLATION SUMIRIT SA 4%

BUMILIS ang Inflation noong Marso sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis at iba pang basic commodities.

Sa isang virtual briefing, sinabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang consumer price index ay tumaas sa 4 percent, mas mabilis sa 3 percent na naitala noong Enero at Pebrero.

Ang numero ay pasok sa 3.3-4.1 percent forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Para sa unang tatlong buwan ng taon, ang inflation ay may average na 3.4 percent.\

Ayon kay National Statistician Dennis Mapa, ang food at non-alcoholic drinks ang pangunahing nasa likod ng pagbilis ng inflation noong nakaraang buwan. Binanggit niya ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng karne, gayundin ng isda at iba pang seafood.

Sa  oil price hikes, lalo na sa gitna ng Ukraine-Russia war, ay naitala ang mas mabilis na rates sa koryente at liquified petroleum gas (LPG), na nasa ilalim ng  household utilities. Ang mga ito, kasama ang gasolina at diesel na bahagi ng transport basket, ang nagtulak din sa mas mabilis na inflation noong Marso

Ang National Capital Region (NCR) ay nagtala ng mas mabilis na inflation mula 1.9% noong Pebrero sa  3.4% noong Marso

Samantala, ang mga lugar sa labas ng Metro Manila ay nagrehistro ng 4.1% rate, mas mabilis sa   3.4% sa naunang buwan.

Labindalawang rehiyon ang nagtala ng mas mabilis na inflation, sa pangunguna ng Eastern Visayas na may 5.3%. Pinangunahan naman ng BARMM ang apat na rehiyon na bumagal ang inflation sa 1.5%.