NA-INTERCEPT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang 87 gramo ng shabu sa loob ng Fedex warehouse sa Pasay city.
Ang naturang droga ay galing sa US at itinago sa loob ng dalawang packages na may estimated value na aabot sa P600K ang halaga.
Ayon kay NAIA-customs district collector Mimel Talusan, ang illegal drugs na ito ay idineklarang “gifts Puzzle game Board “ at puzzle game na gawa ng karton na ipangreregalo sa isang taga-Albay at isang taga-Cabanatuan City.
Ngunit nang sumailalim ng physical examination, nadiskubre ng customs examiner na ang misdeclared packages ay naglalaman ng shabu na nakapaloob sa puzzle game boards.
Ani Talusan, ang dalawang pang misdeclared bottles ng Methyl Ethyl Ketone (MEK) na nagmula pa sa Taiwan ay na-identified ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) na essential ingredients sa pag-produced ng shabu.
Agad naman na inindorso ng BOC ang confiscated illegal drugs sa mga tauhan ng PDEA para sa gagawing case profiling, at masusing imbestigasyon bago sampahan ang mga consignee ng kasong criminal kung saan ay lumabag ang importers sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA No. 9165) in relation to the Customs Modernization and Tariff Act (RA No. 10863). FROILAN MORALLOS