INSPIRADO raw ngayon si Sharon Cuneta na gumawa ng horror movie base sa Aurora movie ni Anne Curtis na pumupuwesto sa top three nitong ongoing na 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF). Kasama na rin dito ang isa pang horror movie na Otlum na pinipilahan din.
Kaya naman ang latest sa Megastar ay kinontak na nito si Erik Matti para idirek siya sa pelikulang nakaplanong gagawin nito na may pamagat na Kuwaresma. Sabi nga, gusto raw nitong kunin ang pagka-horror queen ni Anne.
Naisip lang namin, nakagawa noon ng mga horror movies si Kris Aquino at minsan din itong naging ‘horror queen’ kaya may nag-tsika sa amin na talagang gustong tapatan ni Mega si Kris.
Naalala tuloy namin ang secret rivalry raw ng dalawa noon na ang isa dito ay paramihan ng endorsements. May tsika na ang isa sa kanila ay never nag-say ‘no’ sa mga commercial kahit mababa ang talent fee para hindi mapag-iwanan.
Sa pag-flop ng movie
JESSY MENDIOLA DAPAT TAPUSIN NA LANG ANG KARIR AT PAKASAL KAY LUIS
MARAMING nagsabing panahon na para tapusin ni Jessy Mendiola ang kanyang showbiz career at magpakasal na kay Luis Manzano. Base ito sa hindi paghataw sa takilya ng kanyang The Girl in the Orange Dress nitong ongoing na 2018 MMFF. Maganda ang pagkagawa ng kanyang movie, maganda ang istorya at nakasuporta sa kanya si Jericho Rosales.
Nag-guest pa sa movie si Luis pero wala itong naitulong para panoorin ng marami.
Tamang panahon na ito sa aktres dahil sa isang panayam ay umamin ito na mula nang pumatol siya kay Luis ay humina ang kanyang karir. But in fairness, wala namang pagsisisi sa kanya dahil mahal niya ang TV host/actor.
Kaya, the best thing for her to do ay magpakasal na sila ni Luis dahil kaya naman siyang buhayin na parang reyna at para mabigyan na rin si Ate Vi ng apo na matagal na nitong inaasam noon pa kahit sa mga naunang syota ng anak.
Comments are closed.