Ano na naman kaya ang pinagkagalitan ng mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion, dahil ayon sa aming source, hindi na naman sila nagkikibuan.
Nag-post kasi si Ate Shawie ng mga matalinhagang salita nang makipagsagutan siya sa ilang netizens. Mahihinuhang may tampuhan nga ang mag-ina.
Bilang pannganay na anak ni Sharon sa actor na si Gabby Concepcion, ilang ulit na ring nagkagalit ang mag-ina. Kasalukuyang nasa New York si Sharon para bisitahin ang panganay na anak nila ni Senator Kiko Pangilinan na si Frankie, na nag-aaral sa Manhattan, New York. Idinetalye ng aktres kung paano niya na-miss si Frankie pero may netizen na nag-comment na nasa LA di si KC, pero ang sago niya lang ay:
“Yes I HEARD! I wonder how she is and what she is doing?” Ibig sabihin, wala siyang balita sa panganay niyang anak.
Gayunman, nagtataka pa rin ang mga netizens kung bakit binisita niya Frankie pero hindi si KC. Kanino ba dapat isisi ang pagiging malayo ng loob nina Sharon at KC? Kay Sharon ba at hindi kay KC?
Sagot ng Megastar sa netizen: “Maybe try mo baligtarin. You obviously know nothing about us and because I am their mother, you cannot expect me to talk badly about any of my children. Remember, we are all human beings, we all can be hurt by those we love. And generally speaking, kahit 100 na tao ang mahal mo, doon ka mapapalapit sa sobrang nagmamahal at rumerespeto sayo.”
Kalahating taon nang hindi nagkikita sina Sharon at KC. Pareho man silang nagpunta sa LA, hindi sila nagkita dahil katwiran ni Sharon, sobrang malaki ang LA at hindi siya marunong magmaneho. Dalawang linggo lang pati ang bakasyon kaya wala silang time mag-bonding.
Kaso, pwede namang si KC ang bumisita sa halip na the other way around. Kung si Manny Pacquiao nga, nabisita niya sa training ng Pambansang Kamao sa isang gym sa Los Angeles, bakit hindi ang sarili nitong ina?
Ipinagtanggol naman ni Sharon ang anak at sinabing gusto raw naman ni KC na magkita sila, pero hindi magtagpo ang kanilang mga schedule.
January 2020 nang huling magkatampuhan ang mag-ina dahil hindi nakadalo si KC sa ibinigay na birthday celebration ng ABS-CBN sa Megastar sa musical-variety show na ASAP. Kasi naman, kumpleto ang pamilya ni Sharon kay Kiko, liban kay KC. Wala ron si KC sa Christmas gathering nina Sharon. Nag-post naman si KC ng apology sa ina. Sorry daw kung hindi niya nami-meet ang expectations nito.– KAYE NEBRE MARTIN
Patients receiving true acupuncture reported an approximately 2 point improvement in joint symptoms from baseline to 6 weeks, compared with an approximately 1 point improvement in the sham and waitlist arms, giving a between group benefit of approximately 1 point dosage of ivermectin for dogs Liposomes and ethosomes systems showed less permeation through the breast skin in comparison to 33 ethanol
Data from different ospemifene studies were pooled clomid 3 23 in 1, 000 Death from all causes combined About 1