Mga laro ngayon:
(Filoil Flying V Centre)
8 a.m.- AU vs CSB (jrs)
10 a.m.- JRU vs EAC (jrs)
12 nn.- AU vs CSB (srs)
2 p.m.- JRU vs EAC (srs)
4 p.m.- LPU vs CSJL (srs)
6 p.m.- LPU vs CSJL (jrs)
SUMANDAL ang Perpetual Help sa duo nina Kim Aurin at Nigerian Prince Eze nang malusutan ang Mapua, 74-68, at kunin ang solo third spot sa 94th NCAA basketball tournament kahapon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.
Kumana si Aurin, isang transferee mula sa Jose Rizal, ng 22 points, 4 rebounds, 5 assists at 5 steals, habang nagbuhos si 6’9 Eze ng 19 points, 19 boards at isang block nang rumolyo ang Altas sa kanilang ikatlong sunod na panalo at ika-5 sa kabuuan, sapat upang patalsikin ang Letran Knights (4-2) sa No. 3.
Nahigitan din ng Las Piñas-based school ang kanilang 4-14 (win-loss) performance noong nakaraang season.
At nagawa ito ng Perpetual Help sa tulong ng kanilang bagong coach na si Frankie Lim at ng 11 bagong players, kabilang si multi-faceted Aurin.
“We have 11 new players, don’t forget that. We need to give them leeway and place and time to learn,” wika ni Lim. “We saw good things especially in the second half of our last game (versus JRU) and those things are going to help us a lot in winning games.”
Matapos ang dikit na first half, kinuha ng Cardinals ang 48-44 kalamangan sa sweet shooting ni Cedric Pelayo sa kaagahan ng third quarter.
Subalit, bumanat si Eze ng 9 points sa 13-4 blast na pinasabog ng Perpetual Help upang tapusin ang quarter na may 57-52 bentahe.
Bumagsak ang Mapua sa 2-6 kartada.
Iskor:
Perpetual Help (74) – Aurin 22, Eze 19, Coronel 14, Razon 5, Charcos 5, Peralta 4, Cuevas 3, Mangalino 2, Sese 0
Mapua (68) – Bonifacio 13, Pelayo 10, Aguirre 10, Lugo 7, Biteng 7, Jabel 6, Salenga 6, Gamboa 5, Bunag 2, Serrano 2, Garcia 0, Pajarillo 0
QS: 22-22; 34-33; 57-52; 74-68
Comments are closed.