SOLO 4TH ANG ALTAS

Altas-2

Mga laro sa Martes:

(Filoil Flying V Centre,

San Juan)

10 a.m.- AU vs EAC (jrs)

12 nn.- MU vs LPU (jrs)

2 p.m.- AU vs EAC (srs)

4 p.m.- MU vs LPU (srs)

DINUROG ng Perpetual Help ang Mapua, 88-71, at pagkatapos ay pinanood ang pagkatalo ng College of St. Benilde sa Emilio Aguinaldo, 67-69,  upang kunin ang solo fourth place sa 94th NCAA basketball tournament ngayon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Nagpasabog sina Kim Aurin at Jelo Razon ng 23 at 19 points, ayon sa pagkakasunod, nang maiposte ng Altas ang ika-4 na sunod na panalo at ika-9 sa kabuuan laban sa limang talo. ­Angat ito ng isang laro sa Bla­zers, na bumagsak sa No. 5 na may 8-6 marka.

Isa na naman itong impresibong panalo para sa Las Piñas-based dribblers, na inspirado sa paglalaro magmula nang gibain ang heavily favored Lyceum of the Philippines University Pirates, 83-81, noong nakaraang linggo.

“Our focus is to win as many games as we can because our big victory over LPU would be meaningless if we can get wins,” wika ni Perpetual Help coach Frankie Lim.

Tumipa si Nigerian Prince Eze ng 17 points habang nag-ambag si Edgar Charcos  ng 12.

Nakakuha ang Perpetual Help ng breaks makaraang gulantangin ng EAC ang  CSB makalipas ang dalawang oras.

Nagtuwang sina JP Magullano at Jethro Mendoza ng 12 points sa fourth quarter sa pag-outscore sa buong  CSB team, na umiskor lamang ng 10 sa nasabing yugto.

Tumapos si Magullano na may 14 points at gumawa si Mendoza ng walo.

Iskor:

Unang laro:

Perpetual Help (88) – Aurin 23, Razon 19, Eze 17, Charcos 12, Sese 6, Coronel 5, Perlata 4, Tamayo 2, Cuevas , Mangalino 0, Jimenez 0, Pasia 0

Mapua (71) – Bonifacio 20, Victoria 16, Bunag 8, Serrano 7, Pelayo 6, Gamboa 6, Lugo 5, Nieles 2, Biteng 1, Jabel 0, Aguirre 0

QS: 20-13; 41-30; 68-46; 88-71

Ikalawang laro:

EAC (69) – Magullano 14, Laminou 13, Garcia 10, Bautista 10, Mendoza 8, Tampoc 6, Gonzales 0, BUgarin 0, Corilla 0, Neri 0

CSB (67) – Haruna 18, Gutang 16, Carlos 11, Dixon 8, Leutcheu 4, Pasturan 4, Belgica 4, Nayve 2, Naoa 0, Young 0

QS: 22-15; 39-37; 52-57; 69-67.

Comments are closed.