Mga laro ngayon:
(Filoil Flying V Centre, San Juan)
8 a.m.- CSJL vs MU (jrs)
10 a.m.- CSB vs AU (jrs)
12 nn.- CSJL vs MU (srs)
2 p.m.- CSB vs AU (srs)
4 p.m.- UPHSD vs LPU (srs)
6 p.m.- UPHSD vs LPU (jrs)
SUMANDAL ang San Sebastian College kay Allyn Bulanadi nang igupo ang Jose Rizal University, 82-75, at manatili sa ‘Final Four’ contention sa 94th NCAA basketball tournament kahapon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.
Kumana si Bulanadi ng career-high 27 points, kabilang ang 10 sa first quarter nang kumarera ang Stags sa 23-9 simula, at walo sa final period nang malusutan nila ang paulit-ulit na paghahabol ng Bombers upang itarak ang ikatlong sunod na panalo at ikaapat sa kabuuan laban sa siyam na talo.
Ang panalo ay bumuhay sa dying ‘Final Four’ bid ng Stags subalit kailangan nitong ma-sweep ang huling limang asignatura upang manatili sa kontensiyon.
Nalasap ng Bombers ang ika-11 sunod na kabiguan laban sa dalawang talo at sibak na sa karera.
Nauna rito ay nagbitiw si Jerry Codinera bilang Arellano U coach makaraang magkasya ang Chiefs sa 4-7 (win-loss) start.
Ayon sa Arellano, pansamantalang papalitan ni Junjie Ablan si Codinera.
Sa ikalawang laro ay nagsagawa si Robert Bolick ng scoring clinic sa third quarter nang pataubin ng San Beda ang Emilio Aguinaldo College, 76-57, at makalapit ng kalahating laro sa nangungunang Lyceum of the Philippines University.
Nagpasabog si Bolick ng 12 sa kanyang 20 points sa third quarter nang makalayo ang Lions.
Nalasap ng Generals ang ika-10 kabiguan laban sa dalawang panalo.
Iskor:
San Sebastian (82) – Bulanadi 27, Ilagan 16, Capobres 14, Calisaan 12, Calma 9, dela Cruz 2, Sumoda 2, Are 0, Desoyo 0, Isidro 0, Valdez 0, Villapando 0
JRU (75) – Estrella 19, Mendoza 15, Aguilar 12, Mallari 12, dela Virgen 7, David 6, dela Rosa 2, Esquerra 2, Miranda 0, Padua 0, Silvarez 0
QS: 23-9; 39-34; 60-51; 82-75
Ikalawang laro:
San Beda (76) – Bolick 20, Mocon 11, Oftana 6, Soberano 6, Tankoua 6, Doliguez 5, Tongco 5, Canlas 5, Nelle 4, Carino 3, Presbitero 3, Cuntapay 2, Abuda 0, Cabanag 0, Eugene 0
EAC (57) – Laminou 15, Magullano 12, Mendoza 10, Garcia 9, Bautista 4, Cadua 3, Bugarin 2, Cruz 2, Gonzales 0, Fuentes 0, Natividad 0, Neri 0, Corilla 0
QS: 23-17; 38-36; 59-45; 76-57
Comments are closed.