TEMPORARY VISITORS PAPAYAGANG MAGBAYAD NG ICCs SA AIRPORT

comm-Jaime-Morente

PAPAYAGAN ng Bureau of Immigration (BI) ang mga temporary visitor na magbayad ng kanilang mga Immigration Clearance Certificate (ICC) sa airport kapag nanirahan sa bansa sa loob ng hindi bababa sa isang taon.

Ito ay ayon sa naging pahayag ni BI Commissioner Jaime Morente makaraang sumailalim ang buong Luzon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ), upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 .

Ayon kay Morente, ang ICC ay iniisyu sa mga dayuhan na mayroong temporary visa o mga mayroon student visa na gustong umalis sa Filipinas.

Dagdag pa nito, kanyang ipinahinto ang biometrics capturing at fingerprinting, na isang requirements sa issuance ng Special Security Registration Numbers (SSRNs), bago iproseso ang Immigration Clearance Certificates (ICCs), para masunod ang derektiba ng physical distancing.

Bilang pagsunod sa kautusan ng Malakanyang upang ipagpatuloy ang operasyon ng skeletal workforce ng ahensiyang ito  habang ipinatutupad ang ECQ.

Ayon pa kay Morente, ito ay isang temporary measure para mapigilan ang pagdagsa ng mga papaalis na mga dayuhan na maga-apply ng ICC at ma-minimized ang physical contact sa traveling public.

Ngunit  masusing babantayan ng kanyang mga tauhan ang isusumiteng applications para hindi makalusot ang mga foreigner na mayroon pending case.

Matatandaan na nag-isyu ng advisory ang BI tungkol sa suspension ng ibang transaction sa Luzon, kasama rito ang tourist visa extension, maliban sa foreign nationals na nagnanais umalis sa bansa.

Nakasaad din sa derektiba na ang mga foreigner na mage-expire ang ICC ay dapat mag-file ng kanilang extention pagkatapos ng quarantine period. FROI MORALLOS

Comments are closed.