NAKUMPLETO ng Tokyo Olympics gold medalist France ang four-match sweep sa Quezon City swing sa 25-16, 25-19, 19-25, 25-21 panalo kontra Germany sa Volleyball Nations League nitong Linggo sa Araneta Coliseum.
Kumana si Earvin Ngapeth, ipinahinga sa naunang laro, ng dalawang blocks upang tumapos na may 18 points na sinamahan ng team-high 9 digs at 4 receptions para sa French na umangat sa league-best 7-1 record.
Masayang lilisanin ni Stephen Boyer, nagbuhos ng 16 points at 6 digs, ang Pilipinas sa panalo sa kabila ng matikas na pakikihamok ng German sa third set.
“It’s always good to win. It’s not the good way but it’s okay. We have to restart in the fourth set and the most important is the victory. We will gonna rest and travel. Our next stop is our games in Japan and just continue to go on our way,” sabi ni Boyer.
Sa isang bansa na pinakasikat na sport ang basketball at hindi naman nalalayo ang volleyball, umaasa si Boyer na kahit paano ay nabigyang inspirasyon ang mga Pilipino ng world-class play ng France.
Ang Quezon City leg ay isang bahagi ng French journey para sa isa pang shot sa Olympic gold sa 2024, kung saan iho-host ng bansa ni Boyer ang Paris Olympics.
“For me, it is the first time that I discovered the Philippines. It’s nice to play here in this gym. It’s really great to play here,” ani Boyer.
Nalasap naman ng Germany ang ika-5 pagkatalo sa walong laro.
Nanguna si Linus Weber para sa Germans na may 16 points, habang kumamada sinLukas Maase ng 3 blocks upang tumapos na may 8 points.
Sa kabila ng pagkukumahog sa Philippine leg kung saan nagparada ang Germany ng batang koponan, nagpasalamat si Weber sa suporta ng fans.
“What can I say, the best thing to do is playing good volleyball. Let’s make a good show and if they like us, they enjoyed the show,” wika ni Weber.