“NO LEAVE, NO DAY OFF” ang ipatutupad sa mga tauhan ng mga paliparan sa bansa para sa kasagsagan ng “Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2018.”
Ito ang inihayag ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa nalalapit na Kapaskuhan.
Tiniyak na handa na ang mga awtoridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para sa pagdagsa ng mga pasahero simula Disyembre 10, 2018 hanggang Enero 5, 2019.
Nais tiyakin ng CAAP ang ligtas at maayos na airport operations sa pagbiyahe ng mga turista sa bansa ngayong holiday.
Magdadagdag din ng security personnel sa mga paliparan para sa seguridad ng mga pasahero.
Comments are closed.