WARRIORS BINITBIT NI CURRY

Stephen Curry-2

KUMONEKTA si Stephen Curry ng 10 3-pointers bilang bahagi ng 42-point performance upang tulungan ang Golden State Warriors na igupo ang host Sacramento Kings, 127-123, sa larong tinampukan ng pinakamaraming pinagsamang 3-pointers sa kasaysayan ng NBA.

Nagtala ang Warriors ng 21-for-47 mula sa 3-point area habang kumana ang Kings ng franchise-record 20 sa 36 attempts.

Ang 41 3-pointers ay mas marami sa naunang record na 40 na naitala sa laro sa pagitan ng Minnesota Timberwolves at ng Cleveland Cavaliers noong nakaraang season.

RAPTORS 123, BUCKS 116

Nagbuhos sina Kawhi Leonard at Pascal Siakam ng tig-30 points, kung saan nagtala si Siakam ng career high, at ginapi ng Toronto Raptors ang Milwaukee Bucks noong Sabado ng gabi sa duelo ng dalawang nangungunang koponan sa NBA standings.

Nagdagdag si Serge Ibaka ng 25 points at 9 rebounds, tumipa si Fred VanVleet ng 21 points, at nakalikom si Danny Green ng 12 points at 9  re-bounds. Dahan-dahang kinontrol ng Raptors ang  second at third quarters at nalusutan ang paghahabol ng Bucks sa fourth.

TRAIL BLAZERS 110, ROCKETS 101

Kumamada si Jusuf Nurkic ng 25 points at 15 rebounds, at pinutol ng Portland Trail Blazers ang 40-point streak ni James Harden at ang six-game winning streak ng Houston Rockets sa pamamagitan ng panalo noong Sabado ng gabi.

Tumapos si Harden na may 38 points, nagtala ng 13 of 35 mula sa  field, at bumuslo ng 5 of 17 mula sa 3-point range.

Nagdagdag si CJ McCollum ng 24 points at tumapos si Damian Lillard na may 17 points at 12 assists para sa Blazers, na nanalo ng tatlo sa huling apat na laro.

NUGGETS 123, HORNETS 110

Bumanat si Nikola Jokic ng season-high 39 points at humablot ng 12 rebounds,  nagdagdag si reserve Paul Millsap ng 18  at pinataob ng Western Conference-leading Denver ang Charlotte para sa ika-10 sunod na home victory.

Sa 26-11, ang  Nuggets ay nasa kanilang pinakamagandang NBA start sa franchise history.  Ito rin ang unang pagkakataon na nasa unang puwesto sila sa conference magmula noong Marso 16, 1977.

Nagbigay rin si Jokic ng anim na assists, may tatlong steals at isang  blocked shot. Nagtala siya ng 16 of 29 mula sa floor at 4 of 5 mula sa line. Kumabig si Kemba Walker ng 20 points para sa Hornets sa unang laro ng isang six-game.

 76ERS 106, MAVERICKS 100

Tumirada si Joel Embiid ng 25 points at 12 rebounds, at nagdagdag si  Ben Simmons ng 20 points, 14 rebounds at 11 assists upang tulungan ang  Philadelphia na mamayani laban sa Dallas.

Naipasok ni Embiid ang dalawang krusyal na free throws para sa  Philadelphia, na naglaro na wala si Jimmy Butler sa ikalawang sunod na game da-hil sa upper respiratory infection. Umangat ang Philadelphia sa 17-3 sa home.

Tumipa si Wesley Matthews ng 18 points para sa Dallas, na 3-18 sa road.

JAZZ 110, PISTONS 105

Naitala ni Donovan Mitchell ang 24 sa kanyang 26 points sa second half, at binura ng Utah ang 18-point, second-quarter deficit upang igupo ang Detroit.

 SPURS 108, GRIZZLIES 88

Gumawa si Derrick White ng 19 points, nagdagdag si LaMarcus Aldridge ng 18 at nalusutan ng San Antonio ang matamlay na simula upang gapiin ang Memphis, na nalasap ang ika-5 sunod na kabiguan.

Nagwagi ang San Antonio sa ika-12 pagkakataon sa 15 games.

Tumipa si Mike Conley ng 21 points sa 25 minutong paglalaro para sa Memphis.

PELICANS 133, CAVALIERS 98

Umiskor sina Jrue Holiday at Julius Randle ng tig-22 points at ipinalasap ng New Orleans sa Cleveland ang ika-9 na sunod na pagkatalo.

Tumipa si Anthony Davis ng 20 points at 10 rebounds para sa New Orleans. Nanguna si Jordan Clarkson para sa Cleveland na may 23 points.

Comments are closed.