WARRIORS PINATUMBA ANG KNICKS

DURANT

NAITALA ni Kevin Durant ang 25 sa kanyang game-high 41 points sa  fourth quarter nang tapusin ng Golden State Warriors ang laro sa 42-9 run upang makompleto ang mainit na paghahabol at igupo ang host New York Knicks, 128-100, noong Biyernes ng gabi.

Ang two-time defending NBA champion Warriors ay nanalo ng lima sa anim na laro sa pagsisimula ng season,

Umiskor si  Stephen Curry ng 29 points para sa  Golden State habang gumawa sina Draymond Green ng 18 points at Klay Thompson ng 12 points.

Nalasap ng Knicks ang limang sunod na kabiguan matapos ang  season-opening win, bagama’t yumuko sila sa mga katunggali na gaya ng Golden State, the Boston Celtics at Milwaukee Bucks.

Nanguna si Tim Hardaway Jr. para sa New York na may 24 points habang tumipa si Frank Ntilikina ng 17 points. Nagdagdag si Trey Burke ng 15 points, at tumapos si Damyean Dotson na may 12 points.

PELICANS 117, NETS 115

Naiposte ni Jrue Holiday ang lima sa kanyang game-high 26 points sa huling 22 segundo nang malusutan ng host New Orleans ang  Brooklyn upang manatiling walang talo.

Nanguna si Russell para sa Brooklyn na may 24 points, habang nag-ambag sina Caris LeVert ng 21 at Shabazz Napier ng 16.

BUCKS 125, TIMBERWOLVES 95

Tumipa sina Khris Middleton at  Ersan ­Ilyasova ng tig-16 points nang pataubin ng bumibisitang Milwaukee ang Minnesota upang umangat sa 5-0 kartada.

Nagsalansan si Giannis Antetokounmpo ng 15 points, 12 rebounds at 6  assists para sa Milwaukee. Umiskor si Malcolm Brog-don ng 13 points, nagdagdag si Brook Lopez ng 11 at nakakolekta si John Henson ng  12 rebounds para sa Bucks. Ang Milwaukee ay kulang na lamang ng dalawang panalo para mapantayan ang ­franchise-best 7-0 start mula 1971 hanggang 1972.

Nagbuhos si Karl-Anthony Towns ng 16 points, at nagdagdag si Derrick Rose ng 14 para sa Timberwolves, na nalasap ang ikalawang sunod na talo. Gumawa lamang si Jimmy Butler ng apat na puntos sa 2-of-11 shooting para sa Minnesota.

RAPTORS 116, MAVERICKS 107

Tumirada si Kyle Lowry ng 20 points at 12 assists upanfg maitala ang kanyang ika-4 na sunod na  double-double nang ibasura ng Toronto ang bumibisitang Dallas.

Kumamada si Kawhi Leonard ng 21 points at 9 rebounds para sa  Raptors, na naipanalo ang kanilang unang anim na laro sa sea-son sa unang pagkakataon sa franchise history. Nanalo sila sa unang lima sa pagbubukas ng 2015-16 season.

Ang iba pang resulta; Clippers 133, Rockets 113; Hornets 135, Bulls 106; Kings 116, Wizards 112.

 

Comments are closed.