WARRIORS SA WEST FINALS

warriors

NAGTUWANG sina Stephen Curry at Klay Thompson para sa 60 points upang pangunahan ang bumibisitang Golden State Warriors sa 118-113 panalo laban sa Houston Rockets sa Game 6 at umabante sa Western Conference finals.

Namayani ang Warriors sa best-of-seven series sa kabila na naglaro na wala ang kanilang leading scorer ngayong postseason, si Kevin Durant, na na-sideline dahil sa calf injury. Hindi pa matiyak ang kalagayan ni Durant bago ang Game 1 ng Western Conference finals sa Oakland, Calif. sa Martes laban sa Portland Trail Blazers o Denver Nuggets.

Naipasok ni Curry, scoreless sa 0-for-5 shooting sa first half,  ang pares ng dagger 3-pointers sa stretch ng fourth quarter at nagposte ng 33 points. 8-for-8 siya sa foul line sa huling 30.4 seconds, at tumapos na may 23 points sa fourth.

Naghahabol ang Rockets sa 107-104 kasunod ng driving layup mula kay  James Harden, naisalpak ni Thompson ang isang 3-pointer, may 36.1 segundo ang nalalabi upang kunin ang series para sa Warriors.

Nagdagdag si Thompson ng 27 points sa 7-of-13 3-point shooting, at nag-ambag ang Golden State bench ng 33 points, kung saan ­kapwa umiskor sina  Kevon Looney (14 points) at Shaun Livingston (11) ng double figures. Tumapos ang Warriors na 16 of 38 sa 3-point area, kung saan nagtala si  Andre Iguodala ng  5 of 8 sa 3-point attempts at gumawa ng 17 points.

Nanguna si Harden para sa Rockets na may 35 points at 8 rebounds at 4  steals. Ipinakita ni Chris Paul ang kanyang pinakamagandang laro sa series na may  27 points at 11 boards, subalit hindi ito sapat.

Sinibak din ng Warriors ang Rockets noong nakaraang postseason, sa panalo sa Game 7 ng conference finals sa Houston.

Comments are closed.