WARRIORS TOP SEED SA WEST

Warriors

NAGBUHOS si Stephen Curry ng 27 points upang tulungan ang Golden State na makuha ang top playoff seed sa Western Conference sa final regular-season game nito sa Oracle Arena makaraang gapiin ang Los Angeles, 131-104, para sa ika-5 sunod na panalo.

Nagdagdag si Kevin Durant ng 16 points at 7 assists, kung saan naisalpak niya ang anim sa pitong field goals.

Ang first-round opponent ng Warriors, ang eighth seed sa West, ay hindi pa matukoy. Magsisimula ang playoffs sa Sabado.

Sa pagkatalo ay lumapit ang Clippers (47-34) sa first-round matchup sa Warriors. Kalaban nila ang Oklahoma City (47-33) at San Antonio (47-34), kapwa nagwagi noong Linggo,  para sa sixth, seventh at eighth playoff spots sa West.

Tatapusin ng Los Angeles ang regular season sa home sa Miyerkoles laban sa Utah.

BUCKS 115, HAWKS 107

Kumana si Giannis Antetokounmpo ng 30 points at nagdagdag si Khris Middleton ng 21 upang pangunahan ang Milwaukee sa panalo laban sa Atlanta Hawks noong Linggo ng gabi, na nagbigay sa Bucks ng 60 wins sa isang season sa unang pagkakataon magmula noong 1981.

Ang Bucks, nakopo ang best record sa Eastern Conference, ay lumamang mula umpisa hanggang matapos kung saan pinagpah-inga ng Hawks sina leading scorers John Collins at Trae Young.

Tumipa si Alex Len ng career-high 33 points para sa Atlanta, kabilang ang anim na 3-pointers.

Sa iba pang laro: Trail Blazers 115, Nuggets 108; Rockets 149, Suns 113

Nets 108, Pacers 96; Lakers 113, Jazz 109; Pelicans 133, Kings 129;

Thunder 132, Timberwolves 126; Spurs 112, Cavaliers 90; Raptors 117, Heat 109, OT; Hornets 104, Pistons 91; Magic 116, Celtics 108; Mavericks 129, Grizzlies 127, OT; Knicks 113, Wizards 110.

Comments are closed.