KALMADONG isinalpak ni Damion Lee ang dalawang free throws, may 4.3 segundo ang nalalabi, at nalusutan ng host Golden State Warriors ang isa sa pinakamasamang shooting performances sa career ni Stephen Curry upang maitakas ang 106-105 panalo laban sa Toronto Raptors sa San Francisco.
Naipasok ni Curry ang kanyang una at huling attempts, ngunit hindi nakuha ang personal-record 14 straight sa 11-point night para sa Warriors, na sa kabila nito ay nanalo sa ika-4 na pagkakataon sa huling limang laro.
Si Lee, bayaw ni Curry, ay na-foul habang naghahandang tumira ng desperation 3-point shot kung saan naghahabol ang Golden State ng isang puntos sa final seconds.
Isang career 85.3 percent foul shooter, ibinigay ni Lee sa Warriors ang kanilang huling kalamangan sa larong umabante sila sa maraming bahagi ng laro, kabilang ang 17 points sa unang minuto ng fourth period.
Nagtatangka sa ikalawang sunod na panalo sa unang pagkakataon ngayong season, ang Raptors ay tsansang maagaw ang panalo, subalit sumablay si Pascal Siakam sa buzzer-beating, straight-way 18-footer.
Si Curry ay sinamahan sa double figures ng anim na teammates, sa pangunguna ni Andrew Wiggins na may 17 points. Nag-ambag si Eric Paschall na may 15, habang tumapos sina Lee na may 13, Kelly Oubre Jr. na may 12 at Draymond Green at James Wiseman na may tig-10.
Nanguna si Siakam para sa Raptors na may 25 points, at nagdagdag sina VanVleet ng 21, Kyle Lowry ng 17, Chris Boucher ng 15 at OG Anunoby ng 10.
TIMBERWOLVES 96, SPURS 88
Tumipa si D’Angelo Russell ng 27 points, at nagdagdag si Malik Beasley ng 24 nang gapiin ng Minnesota Timberwolves ang bisitang San Antonio Spurs.
Ito ang ikalawang laro ng two-day back-to-back sa pagitan ng dalawang koponan.
Sa panalo ay naputol ang seven-game losing streak ng Timberwolves, na naglaro na wala si Karl-Anthony Towns.
LAKERS 120, ROCKETS 102
Umiskor si Anthony Davis ng 27 points at nagtala ng tatlong blocked shots sa kanyang pagbabalik mula sa one-game injury hiatus upang tulungan ang Los Angeles Lakers na manatiling walang dungis sa road sa pamamagitan ng panalo kontra Houston Rockets.
Nag-ambag si. LeBron James ng 18 points, 7 rebounds at 7 assists habang gumawa si Montrezl Harrell ng 16 points at 8 boards mula sa bench.
Nanguna si Christian Wood para sa Rockets na may 23 points habang nakalikom si James Harden ng 20 points at 9 as-sists subalit nakagawa ng 7 turnovers.
Sa iba pang laro ay pinadapa ng Denver Nuggets, ang New York Knicks, 114-89, at dinispatsa ng Oklahoma City Thunder ang Brooklyn Nets, 129-116.
Comments are closed.