10M PINOY JOBLESS

JOBLESS-3

LUMOBO sa 10 million ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho sa third quarter ng taon, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa SWS survey na isinagawa noong ­Setyembre  27-30, lumitaw na ang  joblessness rate ay tumaas sa 21.5 percent mula sa 20.7 percent noong Hunyo at 19.7 percent noong Marso.

Ang mga walang kayod ay kinabibilangan ng 4.4 million adults na boluntaryong umalis sa kanilang trabaho, 1.6 million na first-time job seekers, at 3.9 million na nawalan ng trabaho dahil sa ‘economic circumstances beyond their control.’

“Retrenched are those whose contracts were no longer renewed, whose previous employer closed operations, and who got laid off,” ayon sa report ng SWS.

Lumitaw pa sa survey na may 5.3 million jobless Filipino adults sa Luzon noong Setyembre, mula sa 4.4 million noong Hunyo. Nangangahulugan ito ng 3.3-percent increase para sa northern Philippines.

Sa Mindanao ay may 100,000 adults ang jobless.

Kung ihahambing noong nakaraang quarter, ang adult joblessness sa mga kababaihan ay nasa 31.4 percent, mas mataas ng 2.9 points noong second quarter.

Ayon pa sa survey, halos lahat ng age groups maliban sa 18-to-24-year-olds ay apektado ng mas mataas na unemployment rate. Karamihan sa mga apektado ay nasa 35-to-44-year-old range.

Isinagawa ng survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa may  1,800 adults na may edad 18 at pataas sa buong bansa. Sa mga sinurvey, 53 percent ang naniniwalang makakakita sila ng trabaho sa susunod na 12 buwan, 13 percent ang naniniwala namang mababawasan ang mga trabaho,  habang 21 percent ang nagsabing walang magbabago.

Nakakuha ito ng net optimism score na positive 40 o excellent pero mas mababa pa rin ito ng tatlong puntos mula sa naitalang record high na positive 43 noong ­Hunyo.     VERLIN RUIZ

Comments are closed.