MAKATI CITY – LABINDALAWA katao kabilang ang dalawang babae, ang arestado makaraang makumpiskahan ang mga ito ng 23 plastic sachets ng shabu na nagkakahalaga ng P200,000 sa buy bust operation sa isang bahay na nagsisilbing drug den kamakalawa ng gabi sa lungsod na ito.
Kinilala ni SR. Supt. Rogelio Simon, hepe ng Makati City Police ang mga nadakip na suspek na sina Francis Pestanas y Paminiano alyas “Kiko”, 29, residente ng 4076 Mascardo St., Barangay Bangkal, Makati City; Lexter Raguro , 45; Binoy Martin, 42; Gina Paderes, 43; Carter Rapsing, 30; Michael Malano, 30, construction worker, ng 3490 Lucban St. Barangay Bangkal; Ariel Doralta, 33, ng Lower Bicutan C-6 Taguig City; Lorein Pabanil, 24; Allan Paderes, 43, drayber; Romie Palon, 34; Eduardo Faguro, 55, at Elaiza Estacio 27, lahat ay pawang mga naninirahan sa 4076 Mascardo St. Barangay Bangkal, Makati City.
Isinagawa ang buy bust operation dakong alas-7:30 ng gabi sa bahay mismo ni Pestanas na siyang target ng naturang operasyon sa 4076 Mascardo St., Makati City na tinaguriang drug den sa lugar.
Ayon kay Simon, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa aktibidades ng mga suspek sa pangunguna ni Pestanas alyas Kiko na kung saan talamak ang bentahan ng droga sa kanilang lugar.
Dito na nagsagawa ng buy bust operation ang mga awtoridad na kung saan isa kanila ang nagpanggap na buyer at bumili ng droga kay Pestanas ng halagang P500.
Nang aktong iabot na ni Pestanas ang naturang droga rito na dinakma ng mga awtoridad at pinasok ang bahay nito na kung saan naabutan ang 11 pang suspek nang hindi na nakapalag ang mga ito.
Nakumpiska sa mga suspek ang 23 plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang droga, isang cocaine na may kabuuang halagang P200,000, 1 weighing scale, 4 na cellphone, mga drug pharaphernalia at ang P500 na ginamit sa buy bust operation.
Sinabi pa ni Simon, tinadtad ng close circuit television (CCTV) camera ang nasabing bahay kaya sa labas pa lamang ay makikita kung may mga parokyanong papasok. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.