12 SAYYAF NALAGAS SA ENGKUWENTRO

BAKBAKAN

UMABOT na sa labingdalawang Abu Sayyaf terrorist ang napapaslang ng militar sa bahagi ng Sulu nitong mga nakalipas na enkuwentro sa ulat ng Western Mindanao Command kahapon.

Sa pinakahuling ulat, isang  miyembro ng Abu Sayyaf Group ang napatay habang sa enkuwentro na ikinasugat din ng dalawang sundalo sa  Patikul, Sulu.

Ayon kay Col. Gerry Besana, public affairs officer ng WesMinCom nakasagupan ng 32rd Infantry Battalion ang mahigit 100 rebelde sa Sitio Bud Taming, Barangay Panglahayan.

Pinangunahan ang mga rebelde ni Abu Sayyaf chief Radulan Sahiron.

Tumagal ng 40 minuto ang palitan ng putok ng baril ng tropa ng pamahalaan at rebeldeng grupo bago sila nagpasyang tumakas.

Ayon kay Lt.Col. Gerald L. Monfort GSC (INF) PA, Spokesperson umabot na sa labingdalawa ang napatay ng mga sundalo sa hanay ng ASG kasama ang isang ASG Sub-leader sa serye ng sagupaan.

Nitong Huwebes nasa siyam na ang napapaslang kabilang dito ang ASG sub-leader Julie Ikit, pinsan ni ASG second in command  Radullan Sahiron sa loob ng apat na sunod-sunod na sagupaan sa Sulu.

Ang serye ng sagupaan ay pinagsimulan ng 32nd Infantry Battalion (32IB) nang banggain ng mga sundalo ang may (120) ASG terrorists na pinamumunuan ni Radulan Sahirun at  Hatib Hajan Sawadjaan sa Sitio Bud Taming, Barangay Panglayahan, Patikul, Sulu.

Matapos ang putukan, bukod sa bangkay ng isang terorista na kinilalang si ASG sub-leader Julie Ikit ay natagpuan din ang ilang Night Vision Goggles, 40 makeshift tents, 50 water gallons, at limang sako ng bigas.

Matapos ang unang sagupaan, inatasan ang 1st Scout Ranger Battalion na harangan ang grupo ng mga  terorista sa kanilang gagawing pagtakas kaya nakasagupa nila grupo ng ASG sa  Sitio Kan Isnain, Brgy. Kabun Takas ng nasabing munisipalidad.

Ayon kay Brigadier General Divino Rey Pabayo Jr,  Commander of Joint Task Force Sulu dahil sa tulong at suporta ng mga residente kaya naging matagumpay ang kanilang kampanya kontra ASG.

“The loss of Radullan Sahiron’s Second in Command and the number of ASG casualties during the series of encounters will have a dire effect on the ASG’s morale and will to fight,” ani  Gen Pabayo. VERLIN RUIZ

Comments are closed.