2 ASST. SEC PINAGBITIW NI DUTERTE

PINAGBIBITIW sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dalawang assistant secretaries dahil sa alegasyon ng korapsiyon at pag-abuso sa kapangyarihan.

Sa isinagawang regular press briefing sa Malacañang  kahapon ay  tinukoy ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang mga opisyal na sina Assistant Secretary Moslemen Macarambon Sr. ng Department of Justice (DOJ) at Assistant Secretary Tingagun Ampaso Umpa ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

“The President has advised two assistant secretaries to tender their resignations or face termination for corruption,” ani Roque

Sinabi pa ni Roque na sa isinagawang imbestigasyon  ng  Presidential Anti-Corruption Commission ay natuklasan na nakikialam si  Asec Macarambon   sa   mga hinihinalang smuggler ng mga ginto at iba pang mamahaling alahas sa Ninoy Aquino International Airport.

“Investigation conducted by the DPWH indicates that Asec Umpa committed grave abuse of power and may have committed al-so acts of corruption, among others. DPWH has sworn statements where Asec Umpa allegedly asked from contractors in the ARMM area for certain percentages from projects awarded to these contractors,”  pahayag  pa ni Roque

Matatandaang noong na­karaang linggo ay sinabi ng Pangulo na may sinibak siyang isang opisyal at may susunod pa bagama’t hindi tinukoy kung sino ang mga ito.

Una nang naalis sa puwesto ang ilang high-ranking officials at pinuno ng ilang government offices dahil sa korapsyon at pagkakaroon ng maluho at sobra-sobrang pagbiyahe.     DWIZ882

Comments are closed.