(3.44M noong Marso) JOBLESS NA PINOY NABAWASAN

Claire Dennis Mapa

BUMABA ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho noong Marso, ayon sa Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa isang virtual press conference, sinabi ni National Statistician Claire Dennis Mapa na ang unemployment rate sa ikatlong buwan ng 2021 ay naitala sa 7.1% na katumbas ng 3.44 million jobless adults (may edad 15 at pataas), mas mababa sa 8.8% o 4.19 million na walang trabaho noong Pebrero.

Sinabi ni Mapa na ang  latest  monthly survey ay para sa March 8-27 period, na bago nagpatupad ang pamahalaan ng mas mahigpit na enhanced community quarantine (ECQ) classification sa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna — na kilala bilang NCR Plus — sa layuning mapigilan ang paglobo pa ng mga kaso ng COVID-19.

Ang March unemployment rate ang pinakamababa magmula noong Abril 2020, nang maitala ang pinakamataas na unemployment rate sa 17.6% sa kasagsagan ng mahigpit na nationwide lockdown para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Ayon kay Mapa, ang pagbaba ng bilang ng mga walang trabaho ay sanhi ng muling pagbubukas ng mas maraming negosyo sa panahong isinagawa ang survey, na nagpataas sa labor force participation rate — ang bilang ng adults na aktibong naghahanap ng trabaho,  may trabaho o walang trabaho — sa 65% na katumbas ng 48.77 million Filipinos mula 63.5% noong Pebreto o 47.34 million adult individuals.

Ayon sa PSA chief, ito ang pinakamataas na labor force participation rate magmula noong Abril 2014.

“There was a substantial increase in the labor force participation in two age groups such as 15 to 24 year olds and 65 and above. Most of them are looking for jobs and got jobs,” ani Mapa.

Idinagdag pa niya na nagkaroon ng month-on-month increase sa elementary occupations tulad ng mga nasa construction, agriculture at fisheries, at  retail trade sectors.

“The elementary occupations increased by 1.58 million. Second are  service sales workers which saw an increase of about 551,000 and then craft and related trade workers which increased by 308,000. These are the top contributors,” aniya.

27 thoughts on “(3.44M noong Marso) JOBLESS NA PINOY NABAWASAN”

Comments are closed.