TAGUIG CITY – ARESTADO ang tatlong babae makaraang makuhanan ng aabot sa P4.7 million na halaga ng shabu sa lungsod na ito.
Isinagawa ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang operasyon sa Brgy. Maharlika kung saan nakumpiska ang mga ilegal na droga na itinago sa lagayan ng tsaa.
Ayon kay PDEA Dir. Levi Ortiz, isang ahenta ng PDEA ang nakipagtransaksyon sa isang alyas Stoleen Dimapuro para bumili kunwari ng P1.2 million na halaga ng shabu.
Sa halip na si Dimapuro ay tatlong babae ang sumipot at nakipagkita sa PDEA agent.
Nang magkaabutan ng pera, agad inaresto ang tatlo at nakuhanan pa ng nasa 700 gramo ng hinihinalang shabu.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek habang patuloy na pinaghahanap si Dimapuro. ROSE LARA
Comments are closed.