4.6M PINOY JOBLESS SA GITNA NG PANDEMYA

JOBLESS

BUMABA ang bilang ng mga walang trabaho noong Hulyo kumpara sa datos noong Abril makaraang luwagan ng gobyerno ang COVID-19 lockdowns upang makatulong sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa.

Gayunman, sa isang virtual press briefing ay sinabi ni National Statistician Claire Dennis Mapa na ang unemployment rate noong Hulyo ay tumaas ng 10 percent sa 4.6 million unemployed Filipinos, mula sa 2.4 million noong Hulyo 2019.

Noong Abril, ang mga jobless na Pinoy ay lumobo ng 17.7 percent, o may kabuuang 7.3 million, na ayon sa pamahalaan ay epekto ng pagsasara ng ekonomiya dulot ng pandemya.

“Ten percent of 4.6 milyong Filipino na nasa labor force ay walang trabaho o negosyo noong nakaraang July 2020. Ang 10 percent unemployment rate ay mas mataas ng 2.2 million kaysa bilang ng July 2019 na nasa 2.4 million,” sabi ni Mapa.

Ang National Capital Region (NCR) ang nagtala ng pinakamataas na unemployment rate sa 15.8 percent o 929,000 jobless workers mula sa 12.3 percent noong Abril.

Pumangalawa ang Region IV-A o Calabarzon na may 12.4 percent unemployment rate o 886,000 indibidwal, kasunod ang Region 7 na may 11.7 percent at  Central Luzon o Region 3 na may 10.9 percent.

Naitala naman ang pinakamababang jobless rate sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa 3.8 percent.

Comments are closed.