MAKATI CITY – HULI sa akto ng mga operatiba ng Makati City police ang anim na suspek kabilang ang tatlong kababaihan na sumisinghot ng shabu kamakalawa ng hapon.
Sa ulat na natanggap ni Makati City police chief Sr. Supt. Rogelio Simon, kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Jerick Soriano, 21, operator, ng Valenzuela City; Neil Quiquiles, 33, driver, tubong Bacolod City, Negros Occidental; Arthur Posadas, 40, cook; Michelle Bonito, 30, loan agent; Lady Lee Pidlaoan, 21, therapist, at Kate Bernadeth Rivera, 22, pawang residente ng Malvar St., Brgy. Bangkal, Makati City.
Ikinasa ang anti-illegal drug operation ng Makati City police dakong alas-5:00 ng hapon sa Malvar St., Brgy. Bangkal makaraang makatanggap ang pulisya ng report mula sa isang concerned citizen na may nagaganap na session sa nabanggit na lugar na ginagawa ng mga suspek na drug den.
Agad na kumilos ang mga operatiba at nagtungo sa nabanggit na lugar kung saan naaktuhan ng mga ito ang mga suspek na sumisinghot ng shabu. MARIVIC FERNANDEZ