AIKO MELENDEZ TULOY ANG PAG-ARTE KAHIT MAGING KONGRESISTA

showbiztuhan

TATAKBO raw si Aiko Melendez sa 6th District ng Quezon City bilang Congresswoman. Madalas kasing nag-iikot nga-yon ang aktres sa mga barangay at namamahagi ng tulong mula nang mag-pan­demya. Walang tigil ang aktres sa pag-bibigay ng ayuda.

Wala pang official statement ang aktres kung sasabak ba uli siya sa pulitika. Nung huli siyang tumakbo bilang vice mayor kalaban ang ngayo’y Quezon City Mayor Joy Belmonte, natalo siya, kaya nag-artista na lang siya uli. Na­ging kon-trabida siya sa number one teleserye ng ABS-CBN noon na Wildflower na pinagbidahan ni Maja Salvador, hanggang sa lu-mipat siya sa GMA7. Kontrabida na naman ang role nya sa mga teleserye dun, kaya naman nominado siya bilang best sup-porting Actress sa paparating na Star Awards for  TV ng PMPC.

Sa post ni Aiko sa kanyang FB account, sob­rang nagpapasalamat siya sa Philippine Movie Press Club sa pagno-nominate sa kanaya. Aniya, mas gagalingan pa niya ang pag arte at hindi siya titigil gumawa ng mga de kalidad na projects.

***

SHARON NAGMUMURANG KAMATIS

Pumunta lang si Sharon Cuneta sa US, may nabago na sa hitsura niya. Mas pumayat siya at lalong gumanda. Lumiit ang kanyang dibdib.

Inspired talaga si Mega sa mga nakakatrabaho nya kaya siya nagpapaganda. Hindi kaya  ang leading man niyang si Marco Gumabao ang dahilan? Halatang ins­pirado ang megastar nga­yon. Sana huwag mawala ang ito.

***

KILALANIN ANG MRS. MUNTINLUPA UNIVERSE PHILIPPINES 2021

Siya si Joanne Marie Razon, proud mother ng dalawang magagandang dalaga. Isa siyang entrepreneur, freelance model, event host, motivational speaker at chef. Pag-aari rin niya ang eCommerce J-Bellamore na nagpo-promote ng beauty and health sa local at international market. Top 1 distributor siya ng Zoelife products powered by WeEvolve.

Sa ngayon, siya ay aktibong miyembro ng Maharlikang Pilipino Movement, na tumutulong sa mga kababayan nating gustong pasukin ang pagnenegosyo. Personal advocacy niyang tulungang palakasin ang komunidad ng mga Social Entrepre-neurs. Layunin niyang tulungang maging matagumpay sa negosyo ang lahat sa halip na umasa lamaang sa pag-eempleyo. Aniya, “Give a man a fish and you feed him for a day; teach a man how to fish and you feed him for a lifetime.”

Nagsimula ang kanyang adbokasiya 10 taon na ang nakararaan, at marami na siyang natulungan. Aktibo rin siya sa mga charitable works. Sabi pa niya, “We Teach, We inspire and We motivate.”

141 thoughts on “AIKO MELENDEZ TULOY ANG PAG-ARTE KAHIT MAGING KONGRESISTA”

  1. 841744 140538Exceptional publish from specialist also it will probably be a great know how to me and thanks very significantly for posting this helpful data with us all. 538901

Comments are closed.