ANIM NA KALALAKIHAN HULI SA PAGSINGHOT

SHABU USER

VALENZUELA CITY – ANIM na kalalakihan na pawang mga construction workers ang nada­kip makaraang mahuli sa aktong nagsasagawa ng pot session sa loob ng kanilang barracks sa isang construction site.

Detenido at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang mga naarestong sina Jerick Roy y Salvante, 29, welder, residente ng F. Alcanar St., Wawang Pulo, Val. City: Anselmo Cabatingan y Jontilla, male, 52, machine operator, residente ng Tañong, Malabon City: Jessie Ballecer y Espanaldo, 45, residente ng 402 M. Calixto St., Wawang Pulo: John Oliver Reyes y Agustin, 28, helper, residente ng 452 F. Alcanar St., Wawang Pulo, Val. City: Jomar Yandoc y Malate, 28, crain ope­rator, residente ng Mambog, Hermosa, Bataan: at Mark Anthony Dumalay y Legaspi, 39, crain rigger, may-asawa, residente ng 212 Daungan St., Liputan Meyc., Bulacan.

Base sa imbestigasyon ni PO3 Ana Liza Antonio, may hawak ng kaso, ang anim ay nadakip sa isinagawang illegal drug operation ng pulisya mata-pos makatanggap ng impormasyon mula sa hindi kinilalang citizen hinggil sa isinasagawang pagbatak ng mga suspek sa loob ng kanilang barracks da-kong 5:00 ng hapon sa 0019 Salazar St., Wawang Pulo ng nasabing lungsod.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang apat na sachet ng hinihinalang shabu at mga paraphernalia.

Nabatid na ang mga nadakip ay pawang mga nagtatrabaho sa mga isinasagawang proyekto ng lokal na pamahalaan ng lungsod. EVELYN GARCIA

 

Comments are closed.