AUGUST INFLATION BUMILIS SA 4.9%

Dennis Mapa

BUMILIS ang inflation o ang pagtaas ng presyo ng basic goods noong Agosto, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa isang virtual briefing, sinabi ni PSA chief Dennis Mapa na ang inflation noong nakaraang buwan ay naitala sa 4.9%. Kumpara ito sa 4% rate noong Hulyo ng kasalukuyang taon — ang unang pagkakataon na bumagsak ito sa target ng Bangko Sentral ng Pilipinas na  2-4% para sa 2021 — at sa 2.4% noong Agosto ng nakaraang taon.

Ang latest figure ay pasok din sa 4.1-4.9% target ng BSP para sa buwan.

“Higher prices for LPG, Meralco electricity and key food items along with a weaker peso are the primary sources of upward price pressures for August,” sabi ni Mapa.

Ang August inflation ay naghatid sa year-to-date average sa 4.4%, mas mataas pa rin sa target ceiling ng gobyerno na 2%-4%.

“Ang dahilan ng mabilis na antas ng inflation nitong Agosto 2021 ay ang mas mabilis na paggalaw ng presyo ng Food and Non-Alcoholic Beverages na may 6.5% inflation at 77.4% share sa pagtaas ng pangkalahatang inflation sa bansa,” sabi ni Mapa.

“Ang mga pangkat ng pagkain na pangunahing nag-ambag sa inflation ng Food and Non-Alcoholic Beverages ay ang mga karne, gaya ng baboy, 16.4% inflation; isda, tulad ng galunggong, 12.4% inflation; at gulay, partikular ang talong, 15.7% inflation,” dagdag pa niya.

113 thoughts on “AUGUST INFLATION BUMILIS SA 4.9%”

  1. 884167 140407I discovered your blog internet internet site on bing and appearance several of your early posts. Preserve up the really good operate. I just now additional the RSS feed to my MSN News Reader. Seeking toward reading far far more on your part down the road! 949475

Comments are closed.