BAHAGYANG tumaas ang bilang ng mga walang trabaho noong Oktubre, ayon sa Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa 71.886-million population ng 15 years old and above, ang unemployment rate ay nasa 5.1 percent noong Oktubre mula sa 5.0 percent na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Katumbas ito ng 2.202 million unemployed Filipinos sa labor force, kumpara sa 2.185 million year-on-year.
“On unemployment, the reason for the slight increase is because of the storms that may have caused loss employment of some of our citizens,” wika ni National Statistician Lisa Grace Bersales.
Ang employment rate ay bumagsak sa 94.9 percent o katumbas ng 41.329 million Filipinos na may trabaho mula sa 95.0 percent o 41.547 million sa kaparehong panahon.
Lumabas pa sa survey na ang labor force participation rate ay bumaba sa 60.6 percent mula sa 62.1 percent.
“Baka ang isang rason ang ating mga bata na puwede pang mag-aral ay bumalik sa pag-aaral—Kayo ‘yung labor force participation. Maybe it’s because of the free tuition for state universities,” paliwanag ni Bersales.
Samantala, ang underemployment, o fulltime workers na naghahanap ng karagdagang oras ng trabaho, ay bumaba sa 13.3 percent o 5.502 million mula sa 15.9 percent o 6.616 million.
Ayon kay Bersales, ito ang pinakamababang underemployment rate na naitala magmula noong 2003.
Ang LFS ay isang nationwide household survey para makakalap ng datos sa demographic at socioeconomic characteristics ng populasyon at makapagbigay ng statistics sa trends ng employment, unemployment, at under-employment.
Sa hiwalay na pahayag, sinabi ng National Economic and Development Authority (NEDA) na ang trabahong nalikom ngayong taon ay umabot na sa 826,000, mas mababa sa annual target ng pamahalaan na 900,000 hanggang 1.1 million.
Iminungkahi ni Socioeconomic Planning Secretary at NEDA chief Ernesto Pernia ang pagpapatupad ng pinasimpleng proseso sa pag-iisyu ng business permits at licenses, maging ang pagbabawas ng fees para makamit ng gobyerno ang employment target nito. VERLIN RUIZ
Comments are closed.