BEBOT TIMBOG SA TANGKANG PAGPUSLIT NG SHABU SA KULUNGAN

shabu

MALABON CITY – MAKAKASAMA  na ng isang 23-anyos na housekeeper sa kulungan ang kanyang lover matapos itong mahulihan ng shabu makaraang dalawin ang boyfriend sa detention cell sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jessie Tamayao ang suspek na si Gylin Yumang, ng No. 3 Gen San Miguel St., Millionaires Compound, Brgy 8, Caloocan City na nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act sa Malabon City Pro­secutor’s Office.

Sa imbestigasyon ni P/SSgt. Ramos Tamago, dakong alas-5:50 ng hapon, binisita ni Yumang ang kanyang boyfriend sa detention cell ng Malabon City Police nang mapansin niya ang mahigpit na ipinapatupad na pag-inspeksiyon ng mga duty detention jail officers sa mga bagahe.

Pagsapit sa kanya, sinubukan ni Yumang na itago ang isang plastic ng shabu na nakalagay sa harap na bulsa nito sa pamamagitan ng paghila nito at itago ito sa kanyang kanang kamay.

Gayunman, hindi ito nakaligtas sa paningin ni duty jail officer P/SSgt. Joshua Fernandez at nakumpiska sa suspek ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihina­lang shabu na may timbang na 0.64 gramo at nasa P4,352.00 street value. EVELYN GARCIA

Comments are closed.