HINDI gumalaw ang unemployment rate sa bansa noong Hulyo kumpara noong nakaraang taon, habang bumaba ang underemployment.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang bansa ay nagtala ng 5.4 percent unemployment rate noong Hulyo, pareho sa kahalintulad na buwan noong 2018.
Ayon sa PSA, ang bilang ng mga may trabaho ay tumaas sa 42.95 million mula sa 40.65 million sa kaparehong panahon.
“The number of employed persons grew 5.7 percent in July, reflecting an additional 2.3 million workers while the number of unemployed grew 4.4 percent or an additional 2.43 million jobless,” sabi pa ng ahensiya.
“Underemployment, or the percentage of the total employed population who sought additional work, settled at 13.9 percent in July this year from 17.2 percent from the same period last year.”
Ang mga nagtatrabaho na wala pang 40 oras sa isang linggo ay tinatawag na ‘visibly underemployed’, dagdag ng PSA. VERLIN RUIZ
Comments are closed.