CALOOCAN CITY – NASAKOTE ang 27-anyos na babaeng buntis matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot ng shabu sa likod ng isang paaralan Huwebes ng gabi.
Kinilala ang naarestong suspek na si Cecilia Palconet ngBrgy. 185 na naaresto ng mga nagpapatrolyang tauhan ng Caloocan Police Community Precinct (PCP) 4, alas-6:30 ng umaga.
Sa ulat na natanggap ni Caloocan police chief Sr. Supt. Restituto Arcanghel, nagpapatrolya ang mga tauhan ng PCP-4 sa kahabaan ng Tabon Street, Brgy. 185, nang isang concerned citizen ang lumapit at ipinaalam sa kanila ang tungkol sa isang babae na nakitang sumisinghot ng shabu sa likod ng Manuel L. Quezon High School.
Mabilis na nirespondehan ng mga pulis ang naturang lugar at palihim na nagtungo sa likod ng paaralan kung saan huli sa akto si Palconet na abala umano sa pagsinghot ng shabu.
Narekober sa babaeng buntis ang isang heat-sealed transparent plastic sachet ng hindi pa matukoy na halaga ng shabu, isang folded aluminum foil at disposable lighter.
Tinurn-over ng mga operatiba ng PCP-4 ang babae sa Station Drug Enforcement Unit (SDEU) para sa pormal na pagsampa ng kasong paglabag sa R.A. 9165 o the Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Caloocan City Prosecutor’s Office. EVELYN GARCIA
Comments are closed.